^

Punto Mo

Mabuhay ang mga atletang Pinoy, mabuhay tayong lahat!

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

HINDI lamang tayo nakabangon, kundi nakalakad tayo nang taas-noo, sa pagtatapos ng ika-30 Southeast Asian Games (SEAG) na idinaos dito sa atin. Bago opisyal na buksan ang SEAG noong Nob. 30, binalot ito ng katakut-takot na kontrobersiya.

Ngunit sa pagtatapos ng palaro, kinilala ng Asia’s Sports Industry Awards and Conference ang nakaraang SEAG na pinakamaayos sa kasaysayan. Higit sa lahat, tinanghal na pangkalahatang kampeon ang Pilipinas na nakakuha ng 385 medalya na 149 dito’y ginto. Malayo ang pumangalawa, ang Vietnam, sapagkat mahigit sa 100 medalya ang lamang natin. Noong 2005 kung saan dito rin sa atin ginawa ang SEAG, tayo rin ang naging kampeon, ngunit 290 lamang ang kabuuang medalyang nahakot natin noon. Ang masaklap, sumama na nang sumama ang ating “performance” sa SEAG. 

Ang nalalabi na lamang ay ang pagpapatunay na ang nakaraang SEAG ay hindi nabahiran ng anumang katiwalian.  Kaugnay nito’y magsasagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman. Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, bukas sila sa imbestigasyon, sapagkat wala silang itinatago. Naalala ko na noong Nob. 28, pagkatapos ng National Prayer Breakfast na ginanap sa Club Filipino kung saan si Speaker Cayetano ang pangunahing tagapagsalita, ipinanalangin namin siya habang nakaluhod. Sana nga ay mapatunayan ng Speaker na walang-bahid katiwalian ang nakaraang SEAG para kumpleto ang ating tagumpay!

Malaking hamon sa ating mga atleta na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay para sa susunod na SEAG sa 2021 na gaganapin sa Hanoi, Vietnam. Pangalawa ngayon ang Vietnam, hindi malayong sila ang manguna sa susunod na SEAG.

Gayunman, ang SEAG, katulad ng iba pang pandaigdig na palaro na gaya ng Asian Games at Olympics ay hindi lamang paramihan ng medalya. Dito’y itinatanghal ang karakter, determinasyon, paggalang at pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa. Dito’y dapat lumutang ang pinakamabuti sa tao.

May isang napakagandang kuwento. Ang ating kababayang surfer na si Roger Casugay ay mananalo na sana ng gintong medalya nang mapansin niya na ang katunggali niyang surfer mula sa Indonesia ay natatangay ng malalaking alon. Sa sandaling iyon, ang nangibabaw sa kanya’y ang pagtulong sa kapwang nasa panganib, kaysa ang paghahangad ng medalyang ginto. Sa bandang huli’y naging kampeon din si Casugay. Hindi lamang ito, siya ang nagdala ng watawat ng Pilipinas sa pagtatapos ng SEAG, sapagkat siya’y itinuring na isang bayani.

Ang pagiging kampeon natin sa SEAG ay magbigay nawa ng inspirasyon sa ating mga kabataan na pumalaot sa sports upang hubugin hindi lamang ang kanilang kagalingan sa sports, kundi higit sa lahat ang kanilang pagkatao.

Nawa’y maging pasimula ito ng pagbibigay prioridad ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng sports dito sa atin. Napakaraming magagaling na atletang Pilipino, ang kailangan lamang ay tama at masinsinang pagsasanay. Ang sports ay magandang behikulo natin upang patunayan sa buong mundo ang kagalingan at kabutihan ng mga Pilipino.

 Ito rin nawa ang maging pasimula ng pag-aalis nang maruming pulitika sa sports na siyang sumisira dito. Walang puwang ang maruming pulitika sa sports na pandayan ng kahusayan ng isang tao bilang nilikhang kawangis ng Diyos.  Panahon na upang burahin ang “palakasan” sa sports.

Mabuhay ang mga atletang Pilipino! Ngunit hindi lamang sila ang wagi.  Tayong lahat ay wagi. “We won as one.”

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with