^

Punto Mo

Pagsisante dahil sa pagkalugi ng negosyo, maari ba sa ilalim ng batas?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Bali-balita po dito sa aming mga empleyado ang pagkalugi ng aming kompanya at nagbabadya na raw pong magtanggalan. Ang tsismis ay higit po sa kalahati sa mga empleyado ang masisisante. Tanong ko lang po kung maari po ba ang gagawing pagsisante sa amin at paano po kaya pipiliin kung alin sa aming mga empleyado ang mawawalan ng trabaho?

Lou

Dear Lou,

Pinapayagan ng batas ang isang employer na magtanggal ng empleyado kung dahil ito sa pagsasara ng negosyo o kung makakatulong ito upang maiwasan ang tuluyang pagkalugi nito. Ayon sa Article 283 ng ating Labor Code, maaring i-terminate ang isang empleyado upang maiwasan ang pagkalugi ng establisimento o kung tuluyan na ang magiging pagsasara nito.

Kailangan na “in good faith” ang pagtatanggal sa mga empleyado. Ibig sabihin ay dapat para talaga ito sa ikakabuti ng kondisyon ng kompanya o dahil magsasara na talaga ito at hindi dahil sa kung anumang ibang dahilan.

Nakasaad din sa nasabing probisyon na kung sakaling magtatanggal ng empleyado sa kadahilanang ito, kailangang padalhan siya ng notice ukol dito tatlumpung (30) araw bago ang mismong petsa ng kanyang pagkatanggal sa trabaho.

Kailangan ding bayaran ang empleyado ng separation pay na katumbas ng kalahating buwang sahod para sa bawat taon ng kanyang serbisyo sa kompanya o isang buwang sahod kung hindi pa siya nakaka-isang taon, alinman ang mas malaki sa dalawang halaga.

Patas naman dapat ang pagpili sa kung sino sa mga emple-yado ang tatanggalin. Upang hindi maakusahan ng favoritism o bias ay kailangang isaalang-alang ang status ng employment ng mga empleyado (mas maganda kung temporary muna ang alisin bago ang mga regular na empleyado), ang kanilang performance rating, at ang kanilang tagal na sa kompanya.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

vuukle comment

PAGKALUGI NG NEGOSYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with