^

Punto Mo

Pasaway sa basura, sampolan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nahaharap na ang Pinas sa ‘garbage crisis’.

Ito ang pag-amin ng pamunuan ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR).

Kasi nga marami pa rin sa mga Pinoy ang pasaway,  lalo      na kung ang pag-uusapan ay ang kanilang mga kalat at basura.

Aminado ang DENR na hindi epektibo ang mga isinasagawang clean-up drive partikular nga sa  rehabilitasyon ng Manila Bay.

Hindi nga ba’t maraming grupo at sektor pa ang nakiisa sa naturang proyekto na halos nagbabantay at linggu-linggong nakikiisa sa isinasagawang paglilinis dito, pero hindi  kinaya dahil sa maraming balasubas na pinalilipad ang kanilang mga basura.

Maglilinis nga naman, pero ilang araw lang nandyan na naman ang sangkaterbang basura.

Ibig sabihin hindi natututo ang marami nating kababayan, hindi nakikiisa at mistulang binabalewala na ang epekto nang walang pakundangang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan na lamang.

Kapag bumaha  magrereklamo, hindi naiisip na isa siya sa dahilan nang matinding pagbabaha.

Ang mga basurang itinapon sa kung saan  na lamang, ayun bumara sa mga daluyan ng tubig.

Ilan lang yata kasi, o baka nga wala pang kinakasuhan  o sinasampolan sa pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.

Dapat maging mahigpit dito ang mga lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng kanilang mga matinding ordinansan ukol dito at ang pagpapapataw ng kaparusahan sa mga lumalabag ipakita ang ngipin ng batas para madala.

Dahil nga sa krisis na kinakaharap, sa susunod na taon hihigpitan na lalu ang paggamit  ng mga plastic  na nakikitang siyang nagbabara sa mga daluyan ng tubig kaya nakakaranas ng matinding pagbaha sa maraming lugar partikular sa Metro Manila.

Pero, ang  pangunahing dahilan dito ay ang kawalang disiplina at pagiging pasaway ng marami nating kababayan.

Laging na lang isipin, ang basurang itinapon mo sa kung saan-saan lang, babalik at babalik sa yo.

Baka nga makita mo nasa loob pa ng bahay mo!

vuukle comment

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with