^

Punto Mo

Hakut nang hakot ng gintong medalya ang Pinoy athletes

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HALOS ang mga atletang Pinoy ang humakot ng katakut-takot na gintong medalya sa 30th SEA Games.

Sabi nga, tatlong araw pa lang ng palaro ay may 47 gold medals na ang Philippines my Philippines kaya naman ang madlang Pinoy na nakapanood ng laban nila ay tuwang-tuwa sa galak.

Ika nga, over - all champion na ang Philippines my Philippines sa 30th SEA Games !

Siempre naman hindi lang ang mga spectators ang natuwa pati si Boss Digong ay napaindak sa saya at ganda ng SEA Games na kanyang personal na pinanood.

Sa unang arangkada pa lamang ng palaro ay naka-gold agad ang ating mga pambatong manlalaro kaya naman naungusan natin ang nakolekta nating 24 gold medals last 2017 SEA Games sa Malaysia. 

Bukod sa magagaling ang mga manlalarong Pinoy nang maganda ang naging preparasyon ng mga organizers at sports officials dahil pinaghirapan nila ang ginawang paghahanda sa 30th SEA Games lalo na noong opening ceremony.

Hindi na nagtataka ang madlang Pinoy ng makakuha ang ating manlalaro sa arnis ng 14 gold medals, 10 gold medals sa dancesports, 2 sa wushu, 2 sa gymnastics at marami pang mga gintong medals na nakuha sa iba pang sports events.

Sabi nga, pinaghirapan at pinaghandaan ng mga manlalaro ang SEA Games.

Korek ka diyan!

Noong mga nakaraang performance kasi sa SEAG hindi gaanong pinalad ang manlalarong Pinoy sa mga sports events na sinalihan nila kaya may 38 gold medals lamang ang naiuwi noong 2009, 36 gold medals noong 2011, tig-29 gold medals noong 2013 at 2015, at 24 gold medals lamang noong 2017. 

Ngayon SEA Games ang performance ng mga manlalarong Pinoy ay hindi matatawaran dahil inspirado at ganado sila maging sa ipinakitang suporta ng gobierno sa kanila.

Ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng Philippines my Philippines at sa liderato ni Boss Digong at sa tulong ni PHISGOC president at House Speaker Alan Cayetano na nagpagawa ng mga olympic standards sports venues tulad ng sports stadium at aquatic center sa New Clark City, Tarlac, with matching support na ibinibigay sa mga atletang Pinoy.

Kaya naman ang iginanti ng mga manlalarong Pinoy na inspirado at nagpakita ng kagalingan sa kompetisyon alang-alang sa Philippines my Philippines at kay Boss Digong na todo suporta sa kanila ay ang humakot ng mga medalyang ginto.

Sa opening salvo pa lamang ng SEA Games bakas na sa mukhang ng madlang Pinoy ang saya nila !

Maging ang Olympic Committee of Asia ay napabilib sa hosting ng Philippines my Philippines sa SEAG kaya tuloy pati si OCA Vice President Jizhong Wei, ay hinikayat ang gobierno na mag-bid para sa 2030 Asian Games. 

Ano sa palagay ninyo ?

God bless, Philippines my Philippines !

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with