^

Punto Mo

Sugar Mommy (225)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, dakong alas diyes ng umaga ay nagpahatid uli si Jericho kay Sammy sa lugar ni Jane.

“Iti-text kita kapag susunduin mo na ako, Sammy. Hindi ko alam kung anong oras pero iti-text kita.’’

“Walang problema, Jericho. Basta mag-­ingat ka sa pinagtataguan mo at baka makayapak ka ng kobra e makagat ka.’’

“Mag-iingat ako, Sammy.’’

“Paano ka nga pala kumakain?’’

“Kaya ko namang tiisin.’’

“Meron akong biscuit dito at tubig, baunin mo para naman hindi ka malipasan ng gutom.’’

“Baka baon mo ‘yan sa pamamasada?’’

“Puwede naman akong bumili. Eto o, Jericho. Dalawang biscuit ‘yan.’’

“Salamat Sammy. Maaasahan ka talaga.’’

“Salamat din. Aalis na ako.’’

“Okey, Sammy.’’

Pagkaalis ni Sammy ay lumakad na si Jericho patungo sa kubo ni Jane. Kabisado na niya ang daan patungo roon.

Nang makarating siya sa paboritong puwesto, nag-obserba muna siya sa paligid. Baka may kobra o kaya’y mga langgam na maaaring kumagat sa kanya.

Wala naman siyang nakita.

Naupo siyang pa­salampak sa damuhan. Hindi pa lumalabas si Jane. Maaaring may ginagawa pa sa loob.

Makalipas ang 15 minuto, nakita na niya si Jane. Naka-jacket ito. May dalang tiklis at panungkit na mahabang kawayan na may supot na net sa dulo.

Naglakad ng ilang metro hanggang sa makarating sa puno ng mangga na hitik sa bunga. Manggang kalabaw yata yun o manggang piko.

Nagsimulang manungkit si Jane.

Hanggang sa maraming nasungkit. Napuno ang tiklis.

Tinatanong ni Jericho ang sarili. Saan kaya dadalhin ang mangga. Ipagbibili kaya?

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with