^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami pa rin ang gumagamit ng vape

Pang-masa
EDITORYAL - Marami pa rin ang gumagamit ng vape

KAHIT ipinag-utos na ni President Duterte na ipagbawal ang paggamit ng electronic cigarettes o vape sa publikong lugar, marami pa rin ang sumusuway. Hindi pa rin lubos na nasusunod ang kanyang utos. Sabi ng Philippine National Police (PNP) nasa 200 vape stores na ang kanilang binisita at pinaalalahanan ang owners na itigil ang pagtitinda nito. May ilan na ring isinara. Hiling naman ng PNP sa local government units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa vape. 

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng Presidente ang pagbabawal sa pag-import at paggamit ng vape. Ang utos ay ginawa ilang araw makaraang mapabalita na isang 16-anyos na babae sa Cebu ang nagkasakit dahil sa paggamit ng vape.

Ang pangyayaring ito ang nagpasidhi sa Department of Health (DOH) para hilingin na itigil ang paggamit ng e-cigarettes. Pero sabi ng ilang mambabatas, hindi raw makatwiran ang total ban na nais ng DOH. Ang dapat daw ay buwisan na lamang ang e-cigarettes kaysa ipatigil ito. Kikita raw ang pamahalaan sa buwis mula rito.

Sa United States, marami nang kaso ng pagkakasakit dahil sa paggamit ng e-cigarettes. Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), naitala ang 2,172 kaso ng pagkasira ng baga at 42 na ang namatay dahil sa vaping. Ayon sa report, mabilis ang pagkakasakit ng mga indibidwal na gumamit ng vape at patuloy na iniimbestigahan ito. Ayon pa sa isang pag-aaral, sinisira ng e-cigarettes ang cardiovascular system. Mayroon umano itong nicotine, metal and flavorings na masama sa puso. Taliwas ito sa sinasabi ng mga manufacturer ng vape na walang nicotine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi lamang ang gumagamit ng vape ang apektado kundi pati na rin ang mga nakalalanghap ng second hand smoke. Kumpara sa sigarilyo, mas matindi ang nakalalasong kemikal na nakahalo sa e-cigarettes.

Ang pag-uutos ng Presidente sa pagbabawal sa e-cigarettes ay magandang hakbang para mailigtas sa pagkakasakit ang mamamayan. Hindi naman dapat pakinggan ang mga mambabatas na gusto ay buwisan na lamang ang vape kaysa ipagbawal. Puro kikitain ang nasa isip ng mga mambabatas at hindi na naisip na marami ang magkakasakit dahil sa vape.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with