^

Punto Mo

EDITORYAL - Unahing bakunahan mga bata sa Mindanao

Pang-masa
EDITORYAL - Unahing bakunahan mga bata sa Mindanao

KARAMIHAN sa mga bata na nagka-polio ay mula sa mga mahihirap na lugar sa Mindanao. Ayon sa Department of Health (DOH), walong bata na ang nagka-polio at karamihan ay mula sa Mindanao. Sa report ng DOH, walong kaso na ng polio ang naitala. Ang pangwalong kaso ng polio ay naitala sa Basilan kung saan isang siyam na taong gulang na bata ang biktima. Ayon kay Health Se-cretary Francisco Duque III ang bata ay hindi pa nabibigyan o napapatakan kahit minsan man ng kahit anong bakuna laban sa polio.

Ang pagbalik ng polio ang naging dahilan para magsagawa ng polio vaccination ang DOH na nagsimula noong Oktubre 14 at magpapatuloy hanggang Enero 18, 2020. Mapanganib ang polio kaya nananawagan ang DOH sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na wala pang limang taong gulang. Libre ang bakuna at ligtas ito.

Ang polio virus ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage. Nadiskubre ito makaraang magsagawa ng testing sa Manila sewage ang Department of Health (DOH) noong Agosto at nagpositibo sa virus. Sabi ni Secretary Duque, kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa maruming kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumudumi. Kaya ang panawagan ng DOH sa mamamayan, maging malinis para hindi mabuhay ang virus. Kailangang mapanatili ang proper sanitation.

Itutok sa Mindanao ang pagbabakuna sa mga bata para maprotektahan sila laban sa polio. Karaniwang ang mga mahihirap na pamilya ay hindi na napapabakunahan ang kanilang mga anak. Hindi sila nai-informed at ang iba naman ay natatakot pabakunahan ang mga anak. Gawin ng DOH ang lahat nang paraan para mabakunahan ang mga bata sa Mindanao. Habambuhay nilang dadalahin ang bunga ng polio kapag hindi nabakunahan.

vuukle comment

MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with