^

Punto Mo

200 vape stores sa Metro Manila, ipinasara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos 200 vape stores sa Metro Manila ang naipasara habang nasa 42 namang pasaway na indibidwal ang nasakote sa serye ng crackdown ope­ration laban sa paggamit ng vape o electronic cigarette sa isinagawang operasyon kamakalawa.

Ito ang inihayag kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brig. Gen. Debold Sinas bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang paggamit ng vape sa buong bansa kasunod nang pagkasawi ng isang 16-anyos  na dalagita sa Cebu City na nakumpirmang nagpositibo sa Evali o malubhang  sakit sa baga sanhi ng paggamit ng vape.

Nilinaw naman ni Sinas na agad ding pinakakawalan ang mga naaresto matapos maisailalim sa booking procedure at ipinabla-blotter ang mga ito sa mga himpilan ng pulisya.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 198 vape stores ang naipasara sa Metro Manila habang patuloy ang operasyon at inabisuhan na rin ang 178 vape stores sa mga malls na huwag ng magtinda ng vape at kung hindi ay aaksyon ang PNP para maipasara ang mga tindahan ng mga ito.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with