^

Punto Mo

Sugar Mommy (220)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SUSUBAYBAYAN ko si Jane. Matagal na kaming walang komunikasyon. Hindi niya alam na narito na ako sa Pinamalayan,” paliwanag ni Jericho kay Sammy.

“Mukhang kakaiba ang gagawin mo, Jericho. Hindi ka pala magpapakita sa kan­ya. Baka mahirapan ka. Siyempre, aali-aligid ka sa bahay ni Jane.’’

‘‘’Yun nga ang ina­alala ko, Sammy. Baka mayroong makakita sa akin na aali-aligid sa bahay ni Jane at mapagkamalan akong magnanakaw.’’
Nag-isip si Sammy ng paraan.

“Mas maganda siguro kung mag-surbey muna tayo. Alamin natin kung may mga kapitbahay si Jane. Kung walang kapitbahay, mas maganda dahil malaya kang makakapanubok.’’

“Bukas maaari mo ba akong samahan para makapag-surbey?’’

“Walang problema.’’

“’Yung kikita­in mo sa maghapon, ako na ang bahala.’’

“Sige Jericho.’’

KINABUKASAN, madilim-dilim pa ay nagtungo na ang dalawa sa lugar ni Jane.

Sinurbey nila ang lugar.

Natuwa si Jericho sapagkat nag-iisa pala ang kubo ni Jane sa lugar. Wala pang mga kapitbahay. Mukhang bagong bukas ang lugar.

‘‘Malaya kang makakapagsubaybay, Jericho.’’

‘‘Oo nga. Bukas, balik tayo rito.’’

“Okey.’’

BUMALIK sila kinabukasan.

Nang makarating sa lugar. Binigyan ng ins­truction ni Jericho si Sammy.

“Balikan mo ako rito mamayang hapon. Iti-text kita, Sammy.’’

“Okey Jericho. Ingat ka.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with