^

Punto Mo

Simpleng tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Hindi lang gamot at masustansiyang pagkain ang nagpapaga­ling sa maysakit, malaki rin ang naitutulong ng pagdarasal. Ito ang napatunayan ng mga researchers ng Harvard University. Mas mabilis daw gumaling ang pasyenteng nakaranas i-pray over ng kanyang  church mates kaysa pasyenteng walang nag-pray over.

2. Sikaping magdagdag ng isang dark green at isang kulay orange na gulay sa iyong diet araw-araw.

3. Upang hindi atakihin ng hika, kumain araw-araw ng isang mansanas o isang malaking kamatis tuwing ikalawang araw.

4. Huwag kumain ng carbohydrates o uminom ng beer isang oras pagkatapos mag-exercise. Tubig at prutas ang “safe” kainin pagkatapos ng exercise.

5. Pinoprotektahan ng potassium ang ating ugat na mabarahan ng “fats” mula sa mga pagkaing masebo. Kaya kumain ng mayaman sa potassium: kamote, kamatis, beans, yogurt, clams, prunes, carrot juice, molasses, isda, soybeans, melon, saging, gatas, orange juice, etc.

6. Kung sobra na ang stress na nararanasan, tawagan mo ang iyong ina o kapamilyang close sa iyo. Ito ang natuklasan ng mga resear­chers mula sa University of Wisconsin: Nakapagpapagaan ng loob ang pag-kausap sa kapamilyang malapit sa puso mo kung nasa panahon ka ng matinding stress dahil sa trabaho o anumang kadahilanan.

7. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Germany, mas effective gawing ingredient sa hand sanitizer ang lemon grass at cinnamon bark dahil kaya nitong patayin ang  Staphylococcus aureus, Pneumonia, pigsa at ibang infection ang ilan sa mga sakit na idinudulot ng nasabing bacteria. Maglaga ng lemon grass at cinnamon bark at gawing panghugas ng kamay ang pinaglagaan nito.

8. Para mag-improved ang boyfriend-girlfriend relationship, bawasan ang araw ng pagkikita. Ito ay rekomenda ni Elizabeth Lombardo, Ph.D., author of Better Than Perfect: 7 Strategies to Crush Your Inner Critic and Create a Life You Love. Kapag nag-iisa raw ang tao, nasasanay siyang mag-isip muna bago gumawa ng isang bagay. Ang tendency ng laging magkasama, nagiging pabigla-bigla siya ng desisyon, dahil hindi makapag-concentrate.

vuukle comment

TIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with