^

Punto Mo

SEA Games organizers busisiin; Digong napikon

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NABUWISIT si Boss Digong sa preparasyon ng mga nagpa-bright, bright na mga organizers sa 30th Sea Games dahil nga pumalpalpak sila.

Sabi nga,  ‘I am sorry!’

Wala ng magagawa rito porke naglabasan na ito sa social media at sangkaterba ang nakabasa, nakapanood at nakabalita .

Ika nga, the damage is already done!

Bakit?

Inaraw-araw na ang mga kapalpakan sa mga social media na umiikot at nabasa ang istoryang banat sa buong mundo.

Sabi nga, nakakahiya tuloy ang Philippines my Philippines sa nangyari.

Hay, buhay Pinoy?

Ayaw pa rin tigilan ang paghahanap ng butas para may mabalita lang o siraan ng todo ang Philippines my Philippines?

Sabi nga, nakakarindi sa administrasyon ang ingay porke banner story pa rin ito sa mga dyaryo, telebisyon at radio.

Ano sa palagay ninyo?

Dapat lang!

Bakit?

May kapabayaan kasi talagang nangyari.

Naku ha!

Ano ba ‘yan?

Maraming gugulong na ulo sa mga pumalpak na organizers at binubusisi naman ngayon ang diumano’y korapsyong nangyari? 

Habang maaga mag-resign na ang mga palpak aminin na nila ang kapabayaan nangyari bago pa mabuwisit si Boss Digong sa inyo at makatikim kayo ng murang umaatikabo. Hehehe!

Sabi nga, resign na!

Biruin mo umangal ang mga dayuhan atleta sa NAIA pa lang ng dumating ang mga ito. Hindi nagustuhan ni Boss Digong ang aberyang nangyari sa mga bisitang atleta sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, buwisit!

Masaya pa naman si Boss Digong sa South Korea pero ng makarating sa kanya ang mga nangyaring aberya naasar ito sa kahihiyan tungkol sa preparasyon SEA Games kaya tuloy pinabubusisi niya pati ang balitang may  korapsyon.

Naku,  patay kayo .

Matagal ng sinabi ni Boss Digong na ayaw niyang may ‘reklamo’ ang madlang people pero mas matindi ang nangyari dahil mga bisitang foreign athelets pa ang mga umangal!

Sabi nga, mula sa sasakyan, pagkain at tulugan ang reklamo nila.

Ano ba iyan ? 

Ang isa pang matinding reklamo ang nangyaring paghihintay ng mga foreign athelets sa NAIA dahil ang mga sasakyan dapat sumalubong at maghahatid sa kanila sa venue ay dumating ng halos dalawang oras,

Ano ba iyan?

Nainip at nabuwisit siempre dahi sa pagod siguro.

Mukhang nakalimutan ng bus dispatchers ang oras na kanilang sundo.

Totoong may mga bagay na hindi maiiwasan, kaya ayon pumalpak. Hehehe!

Sa ipinakain naman diumano sa mga Filipino athletes na kasali sa SEA Games ay palpak din?

Ano ba ‘yan?

‘Juicy fruit ba ang ipinakain sa Pinoy atheletes ?’

Hindi noh, kikiam...hehehe!

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with