^

Punto Mo

Kailangan ba na may warrant palagi ang mga pulis kapag sila ay may inaaresto?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Inaresto po ng mga pulis ang tiyo ko sa aming bahay noong isang araw. Hindi po malinaw sa amin kung ano ang dahilan ng pagkakaaresto niya dahil wala kaming nakitang warrant of arrest nang siya ay damputin. Legal po ba ang pagkakaaresto sa tiyo ko?--Mike

Dear Mike,

Bagama’t nakasaad sa ating Kons­titusyon na kailangang may warrant of arrest bago arestuhin ang isang indibidwal, may mga pagkakataong pinapayagan ng batas ang “warrantless arrest” o ang pag-aresto ng walang kaukulang warrant.

Nakasaad sa Section 5, Rule 113 ng Rules of Court ang tatlong pagkakataon kung kailan maaring mang-aresto ang isang pulis o kahit ang isang pribadong indibidwal kahit siya ay walang dalang warrant of arrest:

1. Kung sa mismong presensiya niya ay gumawa, gumagawa, o nagtatangka pa lang gumawa ng krimen ang taong aarestuhin;

2. Kapag kagagawa lang ng isang krimen at may paniniwala ang aaresto base sa kanyang personal na kaalaman ng mga pangyayari na ang may gawa ng krimen ay ang taong kanyang aarestuhin;

3. Kapag ang taong aarestuhin ay isang takas na bilanggo.

Hindi buo ang iyong paglalahad ng mga pangyayari bago ­inaresto ang iyong tiyo ngunit kung hindi naman angkop ang tatlong nabanggit sa sitwasyon niya ay hindi siya maaring arestuhin ng walang kaukulang warrant of arrest na inisyu ng korte.

Hindi mo rin nabanggit kung hiniling niyo bang magpakita ng warrant of arrest ang umarestong pulis. Maari kasing mayroon naman palang warrant laban sa tiyo mo at hindi lamang ipinakita sa inyo dahil hindi niyo naman hiningi. Matapos kasing ipaalam sa inaaresto ang dahilan sa kanyang pagkakadakip ay pagpapaabot naman sa inaaresto ng mga karapatan niya katulad ng karapatan niyang manahimik at ang karapatan niyang magkaroon ng abogado ang kasunod nilang tungkulin.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa mga mambabasa na ang nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat kaya maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with