^

Punto Mo

Sugar Mommy (219)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIYANGA pala Jericho, kung gusto mong magluto, mayroong kitchen sa ibaba. Kung gusto mo lang naman. Kasi yung ibang nangupahan dito, diyan na lang sa palengke kumakain. Marami kasing karinderya diyan,” sabi ni Nanay Melda.

“Opo Nanay, sa ka­rinderya na lang po ako kakain. Siguro po’y magiging pahingahan ko lang ang kuwarto sa gabi. Mayroon po kasi akong mahalagang gagawin sa araw.’’

“A ganun ba? Sabagay masarap ang pagkain sa karinderya sa palengke. Masarap magluto ang mga taga-Pinamalayan.’’

“Oo nga po Nanay Melda. Kanina po e diyan ako kumain. Masarap po lalo na ang ginataang puso ng saging na maanghang.’’

“A kare-kare yun! Masarap nga yun. Marunong din akong magluto nun.’’

“Masarap po talaga.’’

“O siya sige. Bibigyan na lang kita ng kumot at unan dahil palagay ko, wala kang gamit.’’

“Wala nga po. Biglaan po ang pagdating ko rito sa Pinamalayan.’’

“Sige at ihahanda ko ang mga gamit.’’

“Salamat, Nanay Melda.’’

Nang umalis si Nanay Melda ay nag-usap sina Jericho at Sammy. Ipinagtapat ni Jericho na mayroon siyang sinusubaybayang babae kaya narito sa Pinamalayan.
“Yun ba yung babae na sinundan natin kanina?’’

“Oo.’’

“Mukhang mabigat ang dahilan kaya mo siya sinusubaybayan?’’

“Mabigat nga Sammy at magpapatulong ako sa’yo.’’

“Walang problema.”

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with