^

Punto Mo

EDITORYAL - Bigas ang ibigay sa mahihirap kaysa cash

Pang-masa

MAYROONG cash grants na ibinibigay ang gobyerno sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa. Ito ‘yung tinatawag na Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps). May cash cards na iniisyu ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap at dito iwi-withdraw ang buwanang cash grants sa mga banko ng gobyerno. Walang kahirap-hirap.

Pero ayon na sa DSWD, maraming beneficiaries ang gumagawa ng kalokohan sa kabila nang pagtulong na ginagawa ng gobyerno. Mayroong beneficiaries na “isinasangla” ang kanilang cash card. Kaya sa dakong huli, wala rin silang maibili ng pagkain gaya ng bigas at iba pang pangangailangan. Gutom din ang inaabot ng pamilya nila dahil sa kalokohan.

Ang nangyayaring ito ang naging dahilan para magpasa ng batas ang House of Representatives kung saan, hindi na cash ang ibibigay sa mga mahihirap kundi bigas na mismo. Ipinasa ang batas noong nakaraang linggo sa botong 206-0. Sa ilalim ng panukala, ang 4Ps cash na ibinibigay ay ibibili na ng bigas at ito ang ipamamahagi sa mga mahihirap.

Sa batas na ito, hindi lamang ang mga mahihirap ang makikinabang kundi pati na rin ang mga magsasaka na naapektuhan ng Rice Tariffication Law. Mula nang ipatupad ang tariffication, bumaba ang presyo ng palay at nalugi sila. Hindi nila nabawi ang ginastos sa pagtatanim ng palay.

Sa naisip ng mga mambabatas na pagbili sa mga aning palay ng magsasaka sa tamang presyo, makakabawi sigurado ang mga ito. Hindi na sila mamomroblema kahit dumagsa ang imported na bigas sapagkat sure nang may bibili ng kanilang ani.

Suportahan ang batas na ito. Mas nararapat na bigas ang ipagkaloob sa mga mahihirap kaysa cash. Kapag bigas, maaari nang isaing at mapagsaluhan. Kung cash ang ibibigay, maaaring gastusin sa walang kapararakan o maaaring ipangsugal ng mahihirap.

vuukle comment

CASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with