^

Punto Mo

Ang payat na aso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HINDI ko maiwasang mapangiti sa tuwing mapapadaan ako sa harapan ng isang babaeng pulubi na nakasalagmak sa isang sulok ng photo shop malapit sa palengke. May kakaiba kasi sa kanya. Inihahanay niya isa-isa ang mga barya na inilimos sa kanya sa ibabaw ng panyolito.

Bakit kaya niya idinidispley ang perang inilimos sa kanya? Paano kung may salbaheng umagaw ng kanyang pera? Isang araw ay tumigil ako malapit sa puwesto ng pulubi dahil hinihintay ko ang aking tiya. May usapan kaming doon magkikita dahil may bibilhin kami sa tindahan na katapat lang ng photo shop.

As usual, nakahanay isa-isa ang baryang napaglimusan ng pulubi. May payat na asong kalye na lumapit sa kinauupuan ng pulubi. Gusto kong matawa nang tila taong kinausap ng pulubi ang asong payat: “Hay, pareho lang tayong nakakaawa…parehong payatot. Siguro paminsan-minsan ka lang kumakain, ano? Teka…”

Mula sa pagkakasalagmak sa sulok ng photo shop ay tumayo ang pulubi. Kinuha ang mga baryang nakahanay sa ibabaw ng panyo tapos lumakad patungo sa lugawan na ilang hakbang lang ang distansiya mula sa photo shop. Bumalik itong may bitbit na styro bowl. Binuksan ang styro bowl at lumantad sa aking mata ang lugaw. Sinutsutan nito ang aso na nakaupo sa may di kalayuan. Nang lumapit ang aso ay muli itong kinausap ng pulubi:

“ O, halika, kainin mo na ang lugaw para naman magkalaman ka, ang payat-payat mo na.”

Parang taong nakauunawa ang aso. Inilapit ang ulo sa styro bowl na may lugaw. Buong kahayukang kinain ito nang kinain ng payat na aso. Wala pang isang minuto ay parang hinugasan ang styro bowl.

Medyo tinamaan ako sa ginawa ng pulubi sa aso. Kaunti na lang ang kanyang pera pero hindi nagdalawang isip na ibili ng lugaw ang aso na hindi naman niya alaga. Humugot ako ng P50 sa aking wallet. Iniabot ko sa pulubi. Sumilay sa namumutla nitong labi ang kasiyahan. Ngumiti rin ako.

“Tenk yu…”

Maya-maya’y dumating na ang aking tiya. Iniwan ko ang pulubi na tinatapik-tapik ang katawan ng aso na naupo sa kanyang tabi na para bang nagpapaampon.

vuukle comment

ASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with