^

Punto Mo

Sugar Mommy (218)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MALAPIT lang sa palengke ang bahay ng traysikel drayber na si Sammy. Dalawang palapag ang bahay na nakatayo sa katamtamang laki ng lote.

“’Yan ang bahay namin Sir, e ano nga po palang name mo?’’
“Jericho.’’

“Halika Sir Jericho at ipakikilala kita kay Nanay.’’

“Jericho na lang itawag mo sa akin. Wala ng “Sir”. Tumatanda ako, he-he-he!”

Nagtawa rin si Sammy.

Binuksan nito ang gate.

Nang makapasok sila ay tinawag ang ina.

“Nanay! Nanay! Mayroong uupa sa kuwarto.’’

Lumabas ang nanay ni Sammy. Mga 60-anyos marahil ito at mukhang mabait. Nakadaster ng bulaklakin.

“Nanay si Jericho. Gusto niyang umupa ng kuwarto.’’

“Magandang umaga po Nanay,” sabi ni Jericho.

“Magandang umaga naman, Jericho. Halika rito sa loob.’’

Pumasok sila.

Maayos ang salas. May sala set na kahoy na may sinaunang ukit.

“Maupo ka Jericho.’’

“Salamat po.’’

 “Siyanga pala, Jericho, ang pangalan ng nanay ko ay Melda.’’

Napatango si Jericho at napatingin kay Nanay Melda.

“Balak ko pong umupa ng kuwarto n’yo Nanay Melda.’’

“Sige gusto mong makita. Nasa second floor.’’

“Sige po.”

“Halika sa taas.”

Nagtungo sila sa se­cond floor.

Maayos at malinis ang kuwarto. May single bed at mayroong aircon.

“Maganda po ito. Magkano po ang upa.’’

“Three thousand.’’

“Okey po sa akin. Magbibigay na po ako ng deposit at advance payment at baka maunahan ako.’’

Napangiti ang mag-ina.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with