^

Punto Mo

Minsang naging katawa-tawa ang Presidente

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG 1906, nilapitan nina Melvil Dewey (head ng New York libraries) at Brander Matthews (Columbia University professor) si Andrew Carnegie, ang kilalang milyonaryo, upang hilingin na pondohan nito ang kanilang planong proyekto tungkol sa pagbabago ng spelling ng mga salita. Mabilis namang pumayag ang milyonaryong si Carnegie, in fact, excited pa nga! Naniniwala siyang magdudulot ng world peace ang pagpapasimple ng spelling sa mga salita. Tinawag nila ang kanilang sarili na: Simplified Spelling Board. Ang una nilang goal ay kumbinsihin ang mga authorities (gobyerno) na baguhin ang spelling ng kahit 300 words muna.

Ang ilan sa tinatarget nilang baguhin ay though (papalitan ng tho), confessed (papalitan ng confest), dropped (dropt), through (thru), kissed (kist), fixed (fixt), enough (enuf), prologue (prolog), thoroughfare (thorofare) and depressed (deprest).

Nilapitan ng tatlo si Pres. Theodore Roosevelt upang tulungan silang isulong ang proyekto. Aba, inaprubahan ng presidente ang project noong August 29, 1906. Okey na okey sa kanya ang ideya. Noon din ay nagpalabas siya ng decree: pamamahalaan ng US Printer ang pagpapagamit ng mga salitang may bagong spelling sa lahat ng executive branch publications. Ang gusto ng presidente ay ipatupad na kaagad ang pagbabago ng spelling sa buong bansa.

Ang plano ng presidente ay napa-headline sa buong Amerika at kumalat hanggang sa ibang bansa. Pinagtawanan ng US media ang ideya. Naging headline sa London Times si Roosevelt at may halong pangangantiyaw ang title ng kanilang news—“Roosevelt Spelling Makes Britons Laugh”.

Nagalit kay Roosevelt ang US Congress dahil sa decree nito na walang katuturan. Noong huling bahagi ng 1906, naging paksa ng debate sa Congress ang paggamit ng bagong spelling. Naisip ni Roosevelt na magiging kahiya-hiya siya kung hindi maaprubahan ng Congress ang project kaya’t inabandona na lang niya ang plano. Nalungkot si Carnegie kaya’t inilaan na lang niya sa ibang proyektong pangkawanggawa ang pondong nakalaan sana sa spelling project.

vuukle comment

MELVIL DEWEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with