^

Punto Mo

Sugar Mommy (217)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGO umalis, pinagmasdan pang mabuti ni Jericho ang magandang kubo ni Jane. Kahanga-hanga ang pagkakagawa. Maganda rin ang lokasyon. Preskung-presko. Masarap mamuhay sa ganitong lugar. Payapang-payapa si Jane. Kaya marahil bumata itong tingnan. Walang iniisip na problema.

Naisip din ni Jericho kaya nawiwili rito si Jane at ayaw nang pumunta sa Maynila ay dahil may katiwasayan dito.

Makaraan ang ilang sandali, nagbalik na si Jericho sa lugar na pinag-iwanan sa mabait na traysikel drayber.

“Nainip ka ba?’’ tanong niya sa drayber.

“Hindi naman po Sir. Sanay po akong maghintay.’’
“Salamat. Tayo na. Ihatid mo uli ako sa bayan.’’

“Sa palengke po?’’

“Oo.’’

Pinaandar na ang traysikel.

Habang tumatakbo ng katamtaman, kinakausap ni Jericho ang drayber. Nalaman niyang Sammy ang pangalan nito.

Hanggang may naisip si Jericho.

“Mayroon ka bang alam na puwedeng upahan na kuwarto o bahay dito sa inyo, Sammy.’’

“Meron Sir. Yung nanay ko ay may pinauupahan. Malapit lang sa palengke.’’

“Talaga? Sige dalhin mo ako sa nanay mo.’’

“Dun po ako nakatira.’’

“Tamang-tama.’’

Dinala nga roon si Jericho.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with