^

Punto Mo

Hotel sa Japan na $1 lang kada gabi, naka-livestream naman sa Youtube

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG hotel sa Japan ang nag-aalok ng kuwarto na $1 (katumbas ng P50) lang ang babayaran mo kada gabi, kailangan nga lang pumayag ng panauhin na naka-live stream at mapapanood ang kanyang pagtira sa YouTube.

Ayon sa may-ari ng Asahi Ryokan hotel na si Tetsuya Inoue ay naisipan niya ang gimik nang minsang may British YouTuber na nag-livestream ng kanyang pagtira sa kanilang hotel.

Ngayon ay lagi nang may mga camera sa Room No. 8 ng kanilang hotel at buong araw itong nagla-livestream sa Youtube channel na kanyang ginawa.

Walang tunog at panay video lang daw ang kuha ng camera at wala ding nakapwesto sa palikuran upang mabigyan naman ng karampatang privacy ang mga panauhin na mamalagi sa nasabing silid.

Aminado si Inoue na lugi ang hotel sa $1 na presyo ng kuwarto ngunit umaasa naman siyang mababawi niya ito sa kikitain niya sa kanyang Youtube channel kung marami ang manonood nito.

vuukle comment

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with