^

Punto Mo

EDITORYAL – Ipagbawal ang e-cigarettes

Pang-masa
EDITORYAL � Ipagbawal ang e-cigarettes

KUMPIRMADO ang balita na isang 16-anyos na babae ang nagkasakit dahil sa paggamit ng vape o e-cigarettes. Ang biktima na hindi pinangalanan ay kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng isang ospital. Ayon sa report, anim na buwan nang gumagamit ng vape ang biktima. Nakitaan daw ng sintomas na parang hinihika ang babae at hindi makahinga. Ganunman sabi ng doctor ng babae, wala naman daw itong hika. Naospital ang babae noong Oktubre 21. Nag-take daw ito ng cough medicines para maalis ang ubo pero ayaw tumigil at lalo pang lumala.

Ang pangyayaring ito ang lalo nang nagpasidhi sa Department of Health (DOH) para hilingin na itigil ang paggamit ng e-cigarettes. Pero sinansala ng Pasig court ang ginagawa ng DOH na pagpapatigil ng e-cigarettes. Ilan sa mga mambabatas ang kumukontra rin sa DOH. Hindi raw makatwiran ang total ban na nais ng DOH. Ang dapat daw ay buwisan na lamang ang e-cigarettes kaysa ipatigil ito. Kikita raw ang pamahalaan sa ibabayad na buwis.

Sa United States, marami nang kaso ng pagkakasakit dahil sa paggamit ng e-cigarettes. Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), naitala ang 2,172 kaso ng pagkasira ng baga at 42 na ang namatay dahil sa vaping. Ayon sa report, mabilis ang pagkakasakit ng mga indibidwal na gumamit ng vape at patuloy na iniimbestigahan ito. Sa loob lamang umano ng 90-araw na paggamit ng vape ay marami na agad nagkasakit at ang nakapagtataka ang mga gumamit ay dati namang malusog ang pangangatawan.

Ayon naman sa isang pag-aaral, sinisira ng e-cigarettes ang cardiovascular system. Mayroon umano itong nicotine, metal and flavorings na masama sa puso. Taliwas ito sa sinasabi ng mga manufacturer ng vape na walang nicotine.

Ayon pa sa DOH, hindi lamang ang gumagamit ng vape ang apektado kundi pati na rin ang mga nakalalanghap ng second hand smoke.  Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque III, kumpara sa sigarilyo, mas matindi ang nakalalasong kemikal na nakahalo sa e-cigarettes. Delikado itong malanghap ng mga batang kasama sa bahay sapagkat maaari silang magkasakit.

Ipagbawal ang e-cigarettes. Huwag pakinggan ang sinasabi ng mga mambababatas na dapat buwisan na lamang ito. Kikita nga rito ang gobyerno pero ang kapalit ay pagkakasakit at pagkamatay ng mga gagamit.

vuukle comment

E-CIGARETTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with