^

Punto Mo

Mga kawatan, nagkalat na sa mga lansangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayon at talagang papalapit na ang holiday season, inaasahan na ang pagtaas sa kaso ng mga petty o street crime.

Sa ganitong panahon kasi, naku po, nagkalat na ang mga nakaabang na kawatan na bumibiktima sa marami nating kababayan.

Nandyan na at simula na ang bigayan ng mga bonus sa maraming tanggapan, at ang tamad na mga pasaway na kawatan target kulimbatin kung ano ang pinaghirapan ng mga masipag.

Kaya nga dito, dapat maging maingat ang ating mga kababayan.

Hindi lang yan, dahil nga nagkalat na ang mga yan sa lansangan at nag-aabang na lang ng kanilang bibiktimahin, dito naman inaasahan ng publiko ang mas matinding police visibility lalo na sa mga estratihikong lugar.

Iba na rin ang may nakikitang unipormadong pulis sa maraming lugar,   nagdadalawang isip ang mga kawatan at kriminal.

Malaking bagay ang nakakalat na mga CCTV sa iba’t ibang barangay na  sana eh  ang maging 24/7 ang gagawing monitor para agad na madakip at makopo ang mga pasaway.

Ang hirap lang kasi, may nakalagay ngang CCTV, wala namang nakamonitor sa mga kuha nito.

May pagkakataon na kinabukasan pa irerebyu kapag may nagreport na ng karahasan o iba pang naganap na krimen.

Ang mga madilim na lugar dapat ang  mga lokal na pamahalaan naman ang umaksyon na mapailawan para na rin sa seguridad ng ating mga kababayan.

Laging maging mapagmasid, ingatan ang inyong mga pinaghirapan na huwag mapunta sa kamay ng mga tamad na gustong guminhawa pero ayaw magbatak ng buto sa mabuting paraan.

vuukle comment

LANSANGAN!

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with