^

Punto Mo

Mga pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa 200 brgy. captains sa Maynila ang inisyuhan na ng suspension order ng DILG dahil sa hindi nakatugon na malinis ang kanilang mga lugar.

Sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño, isinumite na niya ang listahan ng mga pangalan ng mga barangay captain sa Manila City Council na inirerekomenda nilang suspindihin.

Mistulang pinagwalang bahala umano ng mga brgy. chairman ang kautusan na mula kay Pangulong Digong.

Hindi natitinag, dinedma at walang pagkilos na nakita sa mga ito laban sa mga sagabal sa daan sa nasasakupan nilang mga kalsada o lugar.

Bukod pa nga rito na literal na marumi ang mga nasasakupan.

Sa madaling salita hindi naglilinis.

Masikip na nga, marumi pa!

Pero eto naman ang klasik, kung merong hindi naglilinis sa kanilang mga lugar, meron namang lugar na nalinis na ang muling dinudumihan.

Isa pa yang nakakainis sa ilan nating mga kababayan. Tila gustong-gustong makita na nagdidilim sa karumihan ang paligid.

Mistulang ayaw sa kaayusan at ang gusto eh marumi at magulo ang kinikilusan.

Sa Maynila pa rin yan, kaya nga galit na galit si Yorme Isko Moreno, dahil ang kapipinta pa lang na underpass sa Lagusnilad, ayun pinagpipintahan naman ng kung anu-ano.

Nakakagigil nga ‘yan, hindi nga ba’t bagong pinta rin kamakailan ang Quezon Bridge nang pagsusulatan ng mga pasaway.

Sa mga ganito, talagang kailangan maging matigas ang gobyerno dahil kung hindi, ganito na lang nang ganito ang magiging gawi.

Sa mga nanunungkulan sadya talagang kailangan ang political will para magtanda ang mga pasaway.

Naku, padidilian daw sa inyo yan ni mayor dahil huling-huli kayo!

Pag inaaayos, umayos at kung ayaw umayos huwag nang mamerwisyo!

vuukle comment

MARTIN DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with