^

Punto Mo

BI detention facility, dapat patiktikan ni Leni

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

DAPAT ipa-monitor ni VP Leni Robredo, co-chair ng ICAD, ang mga foreigners na nasa loob ng BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig City.

Bakit? Para mapabantayan at mamonitor nito kung may mga drug lords sa detention cells. Puede !

Ikinanta kasi kahit wala sa tamang tono ng mga asset natin ang kalakaran diumano sa nangyayaring Oplan peryahan esta mali ‘pera-perahan’ pala diyan sa Bureau of Immigration Warden Facility dahil hindi biro diumano ang nangyayaring katiwalian dito na halos kapareho diumano sa New Bilibid Prison, sa Muntinlupa City?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dapat patiktikan ng husto, wala naman mawawala kung gagawin ito ni VP Leni porke maraming Chinese nationals ang nasa loob ng detention facility.

Hindi natin sinasabing may sangkot sa kanila sa droga. 

Ang importante ay namomonitor ang kanilang galawan lalo’t malaya silang nakakatawag sa cell phones kahit na nasa loob ng kulungan.

Sabi nga, kapag may pera silang pambayad?

Ibinida ng mga asset, maluwag sa BI detention facility dahil ang mga nasa loob na mga banyaga dito ay walang pang conviction from the court kaya naman hindi sila hinihigpitan. 

Sabi ng asset, may mga kumikitang tiwaling taga - gobierno sa detention facility kasi may mga kamote ditong nanghaharbat ng pitsa sa ilang may kayang detainees kaya naman ang iba sa mga Chinese nationals ay nakakagamit ng cell phones for a fee

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Alam ng mga kamoteng guardia sibil kung sino ang puede nilang harbatan ng pitsa o kung sino ang may kaya .

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa source, ang mga banyagang naka-detained sa immigration facility ay may mga kaso pa sa korte kaya sila nasa loob ay dahil hindi pa tapos ang mga kaso nila.

‘Oras na convicted na sila ay ililipat na sila sa BJMP at kapag na serve nila ang sentence nila sa kulungan ay muli silang babalik sa BI detention cell for deportation proceedings naman.’

Kaya naman hindi gaanong mahigpit ang trato sa kanila habang sila ay nasa loob ng BI warden facility kaya ntuloy  nakakagamit sila ng cellphone basta may bayad, puede silang manigarilyo, uminom ng alak, magkaroon ng maayos na higaan at maligo.

Sabi nga, basta may pitsa diumano lahat puede?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga sumbungero, dahil maraming Chinese nationals ang nasa loob ng detention facility na waiting sa kanilang sentence sa court hindi naman mamonitor ng mga guardia sibil dito ang galawan o transaction ng mga kamote sa illegal drugs?

Naku ha!

May posibilidad na mangayari?

Ano sa palagay ninyo ?

Kaya hindi dapat ipagwalang bahala ni VP Leni ito kailangan niyang ipa-monitor mabuti ang galawan ng mga banyaga sa loob ng detention facility mapa- Chinese man o ibang nationality.

Alam naman natin sa BuCor ang mga druglords ay puro Chinese nationals.

Ano kaya ang masasabi dito ni Mariecar Caguiron, ang bossing ng BI warden facility sa Bicutan?

May raket din kaya ng medical pass dito ?

Abangan.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with