^

Punto Mo

EDITORYAL - Plastic pollution ang kalaban ngayon

Pang-masa
EDITORYAL - Plastic pollution ang kalaban ngayon

NAIS ni President Duterte na ipagbawal ang paggamit ng plastic. Ang ideya para ipagbawal ang paggamit ng plastic ay biglang naisip ng Presidente habang nakikipag-meeting sa mga pinuno ng Natural Resources Development Corporation (NRDC) noong nakaraang linggo. Sa isang presentation ng NRDC ukol sa programa ng gobyerno para sa environment at climate change, biglang nasabi ng Presidente na balak niyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa buong bansa.

Napakaganda at napakamakabuluhan kung itutuloy ng Presidente ang balak. Panahon na para mawala sa buhay ng tao ang plastic. Plastic pollution ang kalaban ngayon ng sangkatauhan. Hindi lamang ang Pilipinas ang may problema sa plastic kundi buong mundo na. Sinisira ng plastic pollution ang kapaligiran at ganundin naman ang mga lamandagat na pawang namamatay.

Dahil sa pagtatapon ng basurang plastic, huma-hantong sa dagat ang mga ito at pinarurumi ang tubig. Nakakain ng mga isda kabilang ang mga balyena ang mga plastic at iba pang hindi natutunaw. Marami nang nabalitang balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. At nang suriin kung ano ang ikinamatay ng mga ito, napag-alaman na dahil sa mga nakaing plastic na basura. Nakuha sa bituka ng mga kawawang balyena ang mga plastic na shopping bags, sako ng bigas at iba pa.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa sa Asia na maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia. Katibayan na maraming basurang plastic sa karagatan ng Pilipinas ay ang mga nakukuha sa Manila Bay na kasaluku-yang nililinis.

Sa pag-aaral na ginawa, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang inaanod sa mga coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, tinatayang 7.5 million plastics ang naka-tambak at maski ang mga namumuno roon ay problemado sa mga basurang plastic.

Iisa ang solusyon para mawakasan ang problema sa plastic pollution. Magkaisa ang mga bansa na ipagbawal ang paggamit ng plastic. Sa Bangkok, Thailand ipinatutupad na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic na lalagyan ng mga gulay, prutas, at pagkain. Sa halip na plastic, dahon o saha ng saging ang ginagamit.

Ipagbawal ang paggamit ng mga plastic. Iligtas  ang bansa sa plastic pollution. Nararapat nang simulan ang pakikipaggiyera sa plastic.

vuukle comment

PLASTIC POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with