^

Punto Mo

Hindi matapos na ‘hukay-hukay’!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang hindi nasusunod ang pahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) patungkol sa road repairs sa EDSA at sa C-5 na pansamantalang isuspendi para makabawas sa pagsisikip ng trapik.

Hindi maikakaila na palapit na ang  holiday season na dito magiging busy na naman ang marami nating kababayan.

Isa talaga sa nagpapabagal sa daloy ng trapiko hindi lang sa EDSA at C-5 kundi maging sa iba’t ibang pangunahing lansangan partikular sa Metro Manila ay ang sangkaterbang ginagawa sa mga kalye.

Kapansin-pansin talaga ang maraming mga hukay-hukay kundi sa iba pang pangunahing lansangan na dapat ding mabigyang pansin ng mga kinauukulan.

Dapat yata hindi ang trabaho ang suspendihin dito,  kundi ang mga  pasaway na contractor na walang pakialam sa kanilang mga maraming hukay na ito.

Aba’y taon na ang binibilang sa maliit na paghuhukay na hindi na matapus-tapos.

Hindi kasi nababantayan at iniinspeksyon, maging ang nakakasakop na barangay sa mga hukay-hukay na ito nagbubulagbulagan at hindi maireklamo o maireport sa kaukulang ahensya para maaksiyunan.

Ang siste pa, ang mga gamit nila ay nakahambalang sa daan, wala namang tao na gumagawa, eh paano matatapos ang buwisit na hukay o repair na ito.

Sinimulan lang, tapos tinulugan.

May ilang project naman, kagagawa lang huhukayin uli para gawin.

Maraming pondo, maraming pera ang mga ito masabi lang may magawa kahit buo, wawasakin para may gawin.

Naku, marami niyan sa mga lansangan sa Metro Manila.

May nakapaskil pa na budget dyan ha, hindi biro ang nilalabas na pera, milyun-milyon kahit maliit na repair.

Walang nagbabantay sa mga ito, kaya nag-aabuso, kaya kung may ganitong hukay-hukay sa inyo kunan ninyo ng litrato o video at makalampag natin ang mga ahensyang sangkot dito.

vuukle comment

HUKAY-HUKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with