^

Punto Mo

Ano ang karapatan nang nagtayo ng bahay sa hindi naman niya lupa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Pinayagan po ng ama ko na magtayo ng maliit na barung-barong ang aming katiwala sa isa sa mga lupa namin sa probinsiya. Matagal na po ito at ngayon ay hindi na lamang barung-barong ang nakatayo roon kundi isang bahay na bagama’t maliit ay sementado na. Yumao na ang ama ko dalawang taon na ang nakararaan kaya ngayong pinaghati-hatian na naming magkakapatid ang mga naiwan niyang ari-arian, sinabihan na po namin ang katiwala na umalis na sa lupang inokupa niya.

Noong una ay nagmamatigas siyang umalis ngunit ngayon ay pumapayag na siya sa kondisyong bayaran namin ang nagastos niya sa pagpapatayo ng bahay na nakatirik sa lupa namin. Kailangan ba namin siyang bayaran gayong lupa naman namin ang tinayuan niya ng bahay?

Mario

Dear Mario,

Kung aminado ang katiwala n’yo na hindi naman sa kanya ang lupa ay wala kayong obligasyon na bayaran ang nagastos niya sa itinirik niyang bahay sa lupa n’yo. Matatawag kasi siyang “builder in bad faith” sa ilalim ng Article 449 ng ating Civil Code dahil sa kabila ng kaalaman niya na hindi naman sa kanya ang lupa, nagpatuloy pa rin siya sa pagtatayo ng istruktura sa ibabaw nito.

Ang tanging habol lang ng isang nagtayo sa hindi naman niya lupa ay ang mga nagastos niya sa pangangalaga o pagpreserba ng lupa, alinsunod sa Article 452 ng Civil Code.

Dahil dito, hindi maaring singilin ng katiwala n’yo ang nagastos niya para sa pagpapatayo ng itinirik niyang bahay sa inyong lupa. Ang puwede lang niyang hingin sa inyo ay kung ano ang nagastos niya sa pangangalaga sa lupang tinayuan niya ng istruktura.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

LUPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with