^

Punto Mo

11-anyos na bata sa Pakistan, pinangalanan ang 57 bansa mula sa isang blankong mapa sa loob ng 1 minuto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 11-anyos na batang lalaki sa Karachi, Pakistan ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record nang magawa niyang pangalanan ang 57 na bansa sa isang blankong mapa sa loob lamang ng isang minuto.

Ayon sa post ng Guinness World Records sa kanilang website, iyon na ang pinakamaraming bilang ng mga bansang nagawang kilalanin mula sa isang blanko na mapa sa loob ng isang minuto kaya iginawad na nila ang world record sa 11-anyos na si Aima’az Ali Abro noong nakaraang Oktubre 8, 2019.

Nasa 58 ang nagawang kilalanin ni Ali ngunit hindi na umabot sa takdang oras ang kanyang huling sagot kaya 57 lamang na mga bansa ang kabilang sa opisyal na world record na kanyang naitala.

Pagkatapos makamit ang Guinness World Record, ang manalo naman daw ng Nobel Prize ang target ng batang si Ali.

vuukle comment

AIMA’AZ ALI ABRO

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with