^

Punto Mo

EDITORYAL – Itigil ang paghuhukay sa mga kalsada para walang trapik

Pang-masa
EDITORYAL � Itigil ang paghuhukay sa mga kalsada para walang trapik

PINAKIUSAPAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga may-ari ng mall na tanghali magbukas ngayong holiday season para hindi sumabay sa dagsa ng mga tao na nagdudulot ng trapik. Kapag holiday season, kabi-kabila ang sale ng mga mall at department stores. Karamihan nang malalaking malls ay nasa kahabaan ng EDSA. Pumayag naman ang mga may-ari ng malls.

Kung nagawa ng MMDA na mapahinuhod ang mga may-ari ng mall, maaari rin nilang mapakiusapan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang dalawang water companies na Maynilad at Manila Water na huwag munang maghukay sa kalsada ngayong holiday season para hindi makadagdag sa grabeng trapik na nararanasan sa Metro Manila.

Tuwing weekend ay nagsasawa ng paghuhukay at re-blocking ang DPWH sa mga pangunahing kalsada particular sa EDSA na nagdudulot ng grabeng trapik. Kung noon ay isang oras lamang ang biyahe mula North EDSA, Quezon City hang­gang Ayala Avenue, Makati City, ngayon ay tat­long oras na.

Kapansin-pansin naman na ang hinuhukay na portion ng kalsada ay hindi pa naman sirang-sira. Puwede pang daanan at ipagpaliban ang pagkukumpuni nito hanggang makalipas ang holiday rush.

Kung walang tigil ang DPWH, ganito rin ang ginagawa ng Maynilad at Manila Water na naghuhukay rin ng mga kalye at matagal nila bago tapusin ang ginagawa. Sa Gen. Luis St. Novaliches, Quezon City, ilang buwan na ang hinuhukay sa dako ng Rebisco Road pero hanggang ngayon hindi pa natatapos at nagiging dahilan ng trapik.

Itigil muna ang paghuhukay ngayong panahon ng kapaskuhan para walang trapik. Sobra na ang dinaranas na trapik sa kasalukuyan.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with