^

Punto Mo

Maari bang ibenta ang kotseng hinuhulugan pa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Gusto ko po sanang ibenta ang kotse ko ngunit hinuhulugan ko pa rin ito. Maari ko po ba itong gawin kahit hindi pa tapos kumpletuhin ang installment plan ng sasakyan?

Jun

Dear Jun,

Kailangan mong tingnan ang kontratang iyong pinirmahan nang umutang ka sa banko. Kadalasan ay ipinagbabawal sa kontrata na ibenta o ipasa sa iba ang kotseng binili sa pamamagitan ng isang installment plan ng walang pahintulot sa inutangang banko. Ang iyong personal na kakayahang magbayad kasi ang tanging batayan ng banko nang inaprubahan nito ang pagpapautang sa iyo kaya hindi mo maaring ipasa ang obligasyon ng pagbabayad ng installment sa ibang tao na wala namang kinalaman ang banko. Dahil dito, ikaw at ikaw lamang ang hahabulin ng banko para sa mga buwanang installment sa iyong sasakyan, maipasa-pasa man ito sa iba’t ibang tao.

Kung gusto mo talagang ibenta ang kotse sa iba, mas mainam kung humingi ka ng permiso sa bankong inutangan mo sa pamamagitan ng isang sulat. Maari silang magsagawa ng background check sa pagbebentahan mo kung may kakayahan ba itong magbayad, katulad noong ikaw pa ang umutang. Sakaling maaprubahan, ang buyer na ng kotse mo ang magiging ka-transaksyon na ng banko at papasok muli sila sa panibagong kontrata. Paalala lamang na maari kang pagbayarin ng banko ng pre-termination fee at iba pa para sa pagtapos mo nang maaga sa kontrata ninyo. Wala ring kasiguraduhan na pahihintulutan ka ng banko na ibenta sa iba ang sasakyan kahit pa humingi ka ng permiso.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat kaya maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

IBENTA ANG KOTSENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with