^

Punto Mo

Pusa na ginawang drug mule, huli sa Russia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HULI ng mga security guards sa isang penal colony sa Tatarstan, Russia ang isang pusa na ginawang “drug mule’’ o tagapagdala ng ipinagbabawal na droga sa kulungan.

Matapos ang habulan na nakuhanan pa ng camera, nahuli rin ang pusa, na matapos inspeksyunin ay napag-alamang may karga-kargang marijuana sa suot na collar nito, ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan.

Alaga raw ng isa sa mga preso ang pusa na ibinigay sa mga nasa labas ng kulungan. Nang nasa labas na ay ginutom daw muna ito bago kinargahan ng droga at pinakawalan malapit sa kulungan, sa pag-asang hahanapin nito ang dating may-ari na nakapiit.

Ayon sa pamunuan ng kulungan, may nahuli na rin silang pusa na ginawang drug mule noong 2010. Heroin naman daw ang itinangkang ipuslit noon gamit ang pusa.

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with