Teenage pregnancy
GUSTO pala ng Commission on Population na magkaroon ng teenage pregnancy national emergency sa Philippines my Philippines.
May 1.2 million case ng mga kabataang may edad 10 hanggang 19 years old na nabuntis at nanganak mula 2011 hanggang 2017.
Kaya ang figure sa loob ng 8 years ay hindi nag-iiba.
Mayorya ng teenage pregnancies ay nangyayari sa pinakamahihirap, 20 % sa mga kabataan ay kulang sa damiky support.
Base sa Philippine Statistics Authority na isa sa anim na adolescent childbirth ay mga repeat pregnancies.
Ang problema dito dahil madalas magbuntis ang mga kabataan ngayon kaya nananawagan sila sa pamahalaan na bigyang aksyon ito.
Ang puede pang mangyari ay magkaroon ng premature deliveries, low birth weight, neonatal complications, at congenital anomalies.
Ang deklarasyon ng teenage pregnancy national emergency sa Philippines my Philippines ay kabilang sa executive order na binalangkas ng POPCOM sa pakikipag-tulungan sa Department of Health at Education para isumite bilang rekomendasyon kay Boss Digong.
- Latest