^

Punto Mo

Ano ang cyberlibel?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May nakaaway po ako sa Facebook na binanta­an ako na idedemanda niya raw ako ng cyberlibel. Ano ho ba ang cyberlibel?

Mylene

Dear Mylene,

Ang cyberlibel ay isang krimen na pinaparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Kapareho ito ng krimen ng libel sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code dahil ang depinisyon ng cyberlibel ay hinango rin sa depinisyong ng libel sa Revised Penal Code bukod sa ilang aspeto.

Katulad ng karaniwang libel, mayroong cyberlibel kapag naglathala ang sinuman ng malisyosong pagbibintang ng krimen, depekto, bisyo, anumang aksyon o kawalan nito, kondisyon, o kalagayan, na nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng isang tao o korporasyon. Ang pinagkaiba lang ng cyberlibel ay mas malubha ang parusa nito dahil sa paggamit ng information and communication technology (katulad ng internet) sa paglalathala. Mas mahirap kasing mahuli ang naglathala sa mga kaso ng cyberlibel kaya mas matinding parusa ang itinakda ng batas para rito.

Kung ang libel ay pinarurusahan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan, ang cyberlibel naman ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula anim na taon at isang araw hanggang sampung taon.

May pinagkaiba rin ang libel at cyberlibel sa isyu ng kung saan maaring isampa ang kaso. Sa libel, maaring isampa ang kaso sa lugar kung saan nakatira ang nagrereklamo o sa lugar kung saan unang inilathala ang malisyosong artikulo. Sa cyberlibel naman, wala nang pagpipilian dahil limitado lamang ang pagsasampa ng kaso sa lugar kung saan nakatira ang complainant.

Nais ko lang ipaalala na katulad din ng libel, hindi rin sapat na depensa sa cyberlibel na totoo ang iyong isinulat. Basta’t mapatunayan na malisyoso ito at nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng isang tao ay makukulong ka pa rin.

vuukle comment

CYBERLIBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with