^

Punto Mo

Galit nanumbalik, sa video ng hazing

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Muling nanumbalik ang galit ng publiko makaraang maglitawan ang mga video ng hazing o pagpapahirap sa mga kadete sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Inamin ng pamunuan ng PMA na ang mga kuha sa video ay sa loob talaga ng academy.

Dalawa sa video ay nagpapakita nang pagmamalupit sa ilang kadete na  sinasabing naganap noong 2017 at 2018.

May isang pang video na lumutang kung saan bagamat hindi ipinakikita ang aktuwal  na pagpapahirap sa nasawing kadete na si Darwin Dormitorio mapapansin na rito ang panghihina ng kadete habang pinagsasalita sa harap ng camera. Magang-maga na rin ang mukha nito at hirap nang magsalita.

Nakakagalit, nakakangitngit lalu na marahil sa isang magulang na makita ang ganung pagtrato sa kanilang anak.

Ipinakikita lamang nito na hindi ‘isolated case’ lang ang naganap na hazing kay Dormitorio  gaya ng sinasabi ng ilang opisyal  noong una.

Maging ang ilang alumni ng academy ay umamin na dumanas din nang pagpapahirap sa loob.

Ngayon malaking hamon sa mga bagong talagang opisyal sa akademya na tuluyan na ngang malinis ito sa ganitong uri ng walang kapararakang pagpapahirap na mistulang ginawa nang ‘tradisyunal’.

Ito ay para makumbinsi nila ang mga magulang na payagan pa ang kanilang mga anak na pumasok sa academy at hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with