^

Punto Mo

Sugar Mommy (180)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUWANG-TUWA si Maia habang suot ang wedding ring.

“Sinorpresa mo na na-man ako, Jericho. Di ba noong nakaraang buwan mo lang ako binigyan ng engagement ring at ngayon naman ay wedding ring na.’’

“Sa sunod ay kasalan      na Maia.’’

‘‘Excited na talaga ako Jericho. Gusto ko, December na para makasal na tayo.’’

“Malapit na yun. Baka magulat ka na lang na uuwi na tayo at ikakasal na.’’

Pinagmasdan ni Maia ang wedding ring.

“Hindi totoo na kapag isinukat ang wedding ring e hindi matutuloy ang kasal. Ang alam ko, wedding gown.’’

“Ganun ba? Kasi bigla kong naalala nung binili ko yan sa Batha dahil sinukat ko.’’

“Wala pa akong nalaman na hindi natuloy ang kasal dahil isinukat ang ring.’’

“E ang sinukat na wedding gown, meron ka nang nabalitaan?’’

“Oo.’’

“Saan?’’

“Dati kong kasamahan sa ospital.”

“Talaga? Anong nangyari?’’

“Nagtaksil ang lalaki. Pinatulan ang babae na malaki ang pagkagusto. Nangyari ang lahat ilang araw bago ang kanilang kasal. Kasi pinagsabihan nang huwag isukat ang gown pero ginawa pa rin. Pero palagay ko nagkataon lang iyon. Kasi ang lalaki naman ang dapat sisihin dahil nagpatangay sa tukso. Hindi na talaga natuloy ang kasal nila dahil sa nangyari.’’

Napatango si Jericho. Ang saklap naman ng nang­yari. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with