^

Punto Mo

Sugar Mommy (175)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHAN-DAHANG hinalikan ni Jericho sa labi si Maia. May paggalang ang halik at punumpuno ng pagmamahal. Kakaiba kaysa sa halik na iginawad niya kay Nadine noon. Ang halik niya kay Nadine ay may pagnanasa samantalang kay Maia ay mayroong pag-ibig na wagas.

“I love you Maia,” bulong ni Jericho.

“I love you too, Jericho,” sabi naman ni Maia.

Matapos ang paglalapat ng kanilang labi, masayang pinisil-pisil ni Jericho ang malambot na palad ni Maia.

“Sana hindi na matapos ang masayang sandaling ito, Maia.’’

“Sana nga Jericho.’’

“Wala na akong iibigin pa kundi ikaw.’’

“Salamat Jericho.’’

Muling pinisil ni Jericho ang palad ni Maia.

Gumanti rin ng pisil si Maia.

“Ikaw ang una kong boyfriend, Jericho at una ring nakahalik sa akin.’’

“Napakasuwerte ko pala.’’

“Kaya nga kapag nagkahiwalay tayo, masasaktan ako.’’

“Bakit naman tayo mag-kakahiwalay?’’

“Wala. Nasabi ko lang.’’

“Hindi tayo magkakahiwalay, Maia.’’

“Gusto ko magkasama tayo forever.’’

“Kaya nga gusto ko nang pakasal tayo para lagi na ta-yong magkasama kahit saan at kahit kailan.’’

“Lalo akong nasasabik Jericho kapag naaalala na magpapakasal na tayo sa December.’’

“Ako man ay nasasabik na rin.’’

“Siyanga pala, Jericho alam na ba ng parents mo ang balak natin?’’

“Hindi pa pero tatawag ako sa kanila sa mga susunod na araw at sasabihin ko.’’

“Ikaw Maia, nasabi mo na ba sa inyo?’’

“Oo. Sinabi ko na sa ka­nila. Tuwang-tuwa sila nang malaman iyon.’’

“Talagang gusto na ni­lang magkaapo, ha-ha-ha!”

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with