^

Punto Mo

Karneng artificial na gawa sa space, balak ibenta sa mga supermarket

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Russian cosmonaut na sakay ng International Space Station, ang tagumpay na nakapagpatubo ng karne mula sa cells at sandaling panahon na lang ang hihintayin bago ibenta ang mga ito sa mga supermarket.

Tagumpay ang mga test na isinagawa sa kalawakan noong Setyembre dahilan upang makalikha ng karne ng baka, kuneho, at pati ng isda gamit ang isang 3D printer.

Inaasahang makatutulong ang bagong tuklas na teknolohiya sakaling maglakbay na ang tao papunta sa Mars, kung saan kakailanganin ng mga astronaut ang mapagkukunan ng pagkain para sa napakalayong paglalakbay sa kalawakan.

Sa kabila nito, layunin pa rin ng mga nakapag-develop ng kakaibang teknolohiya na ito na maibenta ang mga artificial na karne sa mga pangkaraniwang supermarket.

Inaasahang aabot ng 5 hanggang 20 taon bago maipagbenta sa murang halaga ang mga artificial na karne sa mga pampublikong pamilihan.

 

vuukle comment

MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with