^

Punto Mo

Mga Pinoy na ngayon ay may foreign citizenship na, maaari pa bang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Nais ko lang po sanang itanong kung maari pang magmay-ari ng lupa ang mga katulad ko na foreign citizen na. Canadian citizen na kasi ako ngayon at plano ko po sanang bumili ng lupa para kapag nag-retire na ako ay dito na ulit ako sa Pilipinas maninirahan.

Mely

Dear Mely,

Bagama’t sa ilalim ng ating Constitution ay tanging mga Pilipino lamang ang maa­ring mag-may ari ng lupa, mayroon din namang exception sa polisiya na ito. Ang unang exception ay kung sa pamamagitan ng pagmamana nakuha ng foreigner ang lupa at ang pangalawa naman ay para sa mga katulad mong natural-born na Pilipino na nakakuha ng foreign citizenship.

Ayon sa Foreign Investments Act na inamyendahan ng RA 8179, maaring magmay-ari ang isang foreign citizen na natural-born na Pilipino ng hanggang 5,000 square meters ng lupa sa urban areas o 3 hektarya naman sa rural areas. Kung mayroon ka ng lupa sa isang urban area ay diskwalipikado ka nang magmay-ari sa rural area. Ganoon din kung ang lupa mo ay nasa rural area dahil hindi ka na maaring magmay-ari ng lupa sa urban areas.

Hanggang dalawang lote lang din ang maaring maging pagmamay-ari ng isang Pilipinong nagkaroon ng foreign citizenship at ang suma-total na lawak ng mga ito ay hindi dapat lumampas sa mga naunang nabanggit na sukat. Kailangan din na nasa magkaibang mga municipality o lungsod ang mga ito.

Kaya sa kaso mo ay maari mong ituloy ang iyong plano basta susunod ka sa mga alintuntuning itinakda ng batas para sa pagmamay-ari ng lupa para sa mga katulad mo na Pilipino na ngayon ay foreign citizen na.

Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

FOREIGN CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with