^

Punto Mo

Panibagong puwersa dineploy sa Bilibid, tumino na kaya?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa 500 tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dineploy sa Bilibid nitong nakalipas na linggo.

Pansamantala silang hahalili sa may 300 prison guards  na sinibak dahil sa iba’t ibang katiwalian.

Dahil nga sa nabunyag na mga anomalya at katiwalian sa piitan matapos ang isinagawang pagdinig sa makontrobersiyang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sangkaterba ang nabistong mga ‘for sale’ hindi lang sa Bilibid  kundi maging sa iba pang piitan sa ilalim ng BuCor.

Nagkasibakan nga ng matataas na opisyal dahil dito.

Hanggang ngayon nga ay dinidinig pa ito sa Senado.

Iniluklok bilang director ng BuCor ang dating warden na si Gerald Bantag.

Unang aksyon na ginawa nito ang pagsibak sa puwesto sa may 300 guwardiya sa Bilibid.

Nakakaalarma ang nabunyag na mga anomalya sa piitan na talagang nangangailangan ng isang matapang na namumuno para ito masawata.

Ibat-iba na ang nilalagay ng puwersa ang idineploy sa Bilibid pero mukhang ‘wa epek’ pa rin dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga high profile inmates  partikular ang mga drug lord na mistulang sila ang naghahari sa piitan.

Malaki ang inaasahan ng Pangulo kay director Bantag para sawatain ang mga ‘pasaway sa loob.

Kalusin na ang mga naghaharing-puri na mga bilanggo na pera ang pinaiikot para maipagpatuloy ang kanilang ilegal na aktibidades kahit nasa loob ng piitan.

Tutukan din ang mga nagpapaimpluwensiyang mga tauhan ng BuCor na mukhang hindi na natuto sa mga pangyayari sa  nakaraan.

Sana ay malinis na ngang tuluyan ni director Bantag ang Bucor na ito ang ating tututukan sa mga susunod na araw.

 

vuukle comment

BILIBID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with