^

Punto Mo

Minanang ari-arian, maari bang managot sa utang ng asawa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Nagmana po ako ng lupa mula sa aking mga magulang. Nailipat ko na po ang titulo sa aking pangalan. Kamakailan po ay nalaman ko na idinemanda pala ang aking asawa para sa perang inutang niya tatlong taon na ang nakararaan, bago pa kami ikasal. Wala po kaming pera at ang tanging ari-arian lang po namin ay ang lupa na kamamana ko lang. Maari po bang managot sa utang ng asawa ko ang lupang minana ko? --Rosie

Dear Rosie,

Kung wala naman kayong pinirmahan na pre-nuptial agreement ay lahat ng ari-arian n’yong mag-asawa ay bahagi ng tinatawag na absolute community of property. Ibig sabihin nito, salo na ninyong mag-asawa ang pagmamay-ari ng lahat ng inyong mga ari-ariang dalawa simula noong kayo ay ikasal.

Dahil dito, maaring managot ang iyong mga ari-arian kahit sa mga pananagutan ng iyong asawa, kabilang na ang kanyang mga utang.

Sa kabila nito, maari mo namang mapigilan kung ang lupang iyong minana ang sakaling papanagutin para sa utang ng iyong asawa. Ayon kasi sa Article 92 ng Family Code, hindi kasama sa tinatawag na community of property ang mga ari-ariang nakuha nang libre katulad ng mga nakuha mula sa donasyon o pagmamana.

Upang hindi managot ang lupa mo, kailangan mong patunayan sa korte na minana mo ito kaya base sa Article 92 ng Family Code at hindi masasabing kasalo mo ang asawa mo sa pagmamay-ari nito. Sa madaling sabi, hindi maaring maging ipambayad sa utang ng asawa mo ang lupang minana mo dahil tanging ikaw lamang ang may-ari nito. Kailangan ko lang idiin na hindi basta-basta ang pagpapatunay na kailangan mong gawin sa korte dahil ayon sa kaso ng Diancin vs. Court of Appeals (G.R. No. 119991. November 20, 2000) ay kailangang klaro at kapani-paniwala ang ipipresenta mong ebidensiya upang patunayan na minana mo lang ang iyong lupa.

Nawa’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong legal na ito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with