^

Punto Mo

EDITORYAL – Kalbaryong trapik

Pang-masa
EDITORYAL � Kalbaryong trapik

HINDI matutupad ang pangako ni President Duterte na limang minutong travel time mula Cubao, Quezon City hanggang Ayala Ave­nue, Makati City via EDSA. Sa kasalukuyan, dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe sa EDSA at ngayong papalapit na ang holiday season, maaaring lumubha pa ang trapik dahil sa kabi-kabilang sale ng mga malls.

Maraming ginagawang paraan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at kinatulong pa ang Highway Patrol Group (HPG) para maisaayos ang trapiko subalit walang pagbabago. Kalbaryo ang trapik na araw-araw nararanasan ng mga empleyado at estudyante sa kahabaan ng EDSA. Kahit pa inalis na ang mga obstruction sa mga kalsada, matrapik pa rin at tila wala na ngang solusyon dito.

Hindi lamang ang trapik sa EDSA ang inire-reklamo ngayon ng mamamayan kundi pati na rin ang trapik sa South Luzon Expressway (SLEX) na umaabot sa tatlo hanggang apat na oras. Gapang pagong ang mga sasakyan papasok ng Metro Manila sapagkat isinara ang Skyway sa Alabang dahil sa ginagawang extension. Dahil sa dami ng mga sasakyang pa-north bound, umabot na hanggang Sta. Rosa Exit ang pila ng mga sasakyan. Ang mga papasok sa trabaho ng 8:00 a.m., nakarating sa Makati ng 11:00 a.m. at ang iba, 12:00 ng tanghali. Sabi ng ibang empleyado, hindi na sila tumuloy sa pagpasok sapagkat sobrang late na. Nag-absent na lang sila.

Ayon sa pamunuan ng Skyway, sa Disyembre 2020 pa matatapos ang isinasagawang extension. Humihingi sila ng paumanhin sa publiko. Kapag natapos naman umano ang proyekto, lahat ay makikinabang at maginhawa na ang paglalakbay.

Ano pa nga ba ang magagawa kundi magtiis. Sana, bilisan naman ang pagtapos sa proyekto para mapakinabangan ang NLEX-SLEX connector para maiwasan ang trapik sa EDSA. Itigil din naman ang mga road re-blocking sa EDSA na nagpapabigat sa trapik. Isagawa ito sa mga araw na walang pasok.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with