^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Banggaan’ ng PNP at PDEA

Pang-masa
EDITORYAL - �Banggaan� ng PNP at PDEA

HINDI maganda itong “pagbabanggaan” ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa isyu ng “ninja cops” o ‘yung mga pulis na sangkot sa recycling ng droga. Lumalaki ang gawak sa pagitan ng dalawang organisasyon at hindi maganda ang ganito sapagkat ang makikinabang ay mga drug syndicates o mga criminal. Walang ibang matutuwa sa “pagbabanggaan” ng dalawang organisasyon kundi ang mga masasamang loob.

Nagsimula ang “banggaan” ng dalawang orga-nisasyon nang sabihin ni PDEA director general Aaron Aquino sa Senate hearing na may mga pulis at PDEA agents mismo na sangkot sa “recycling” ng shabu. Ang mga nakukumpiskang shabu ng mga pulis sa kanilang operations ay binabalik muli nila sa kalye.

Sa madaling salita, ibinibenta nila muli. Ito ang dahilan kaya hindi maubus-ubos ang shabu. Sa kabila na araw-araw ay may nahuhuling drug trafficker at may nakukumpiskang kilo-kilong shabu, hindi pa rin maubus-ubos at lalong lumubha ang problema sa droga. Maski si President Duterte ay nagpahayag na bigo ang pamahalaan sa kampanya sa droga.

Ang “banggaan” ng PNP at PDEA ay lumalawak sapagkat pati ang mga police escort ni Aquino ay tinanggal din. Nasa 15 pulis ang escort ng PDEA chief. Inalis ang mga escort mula nang magsalita si Aquino ukol sa “ninja cops”. Pero sabi naman ng PNP, kailangan ang mga pulis para sa Southeast Asian Games kaya inalis ang escort ng PDEA chief.

Wala raw itong kaugnayan sa isyu ng “ninja cops”. Kahapon, nagpatuloy ang hearing sa Senado kaugnay sa GCTA pero nauwi ang pagtalakay sa “ninja cops”. Dumalo sa hearing si PNP chief Gen. Oscar Albayalde at PDEA director general Aquino.

Dapat matapos na ang gusot sa pagitan ng PNP at PDEA. Hindi maganda na ang dalawang law enforcing agencies ay hindi nagkakaunawaan. Sasamantalahin ito ng mga criminal.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with