^

Punto Mo

EDITORYAL - Isara, mga POGO na ‘di-nagbabayad ng tax

Pang-masa
EDITORYAL - Isara, mga POGO na �di-nagbabayad ng tax

MARAMING online gambling operators sa bansa na nasa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Dahil sa pagdami ng gambling operators, dumagsa rin ang mga Chinese para magtrabaho sa mga ito. Mga Chinese ang customer kaya kailangan na marunong magsalita ng Chinese ang empleyado. Mula 2017 hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa 130,000 Chinese ang nasa bansa na pawang naka-employ sa POGO. Sa bilang na ito ng mga Chinese, mai-imagine kung gaano karaming online gambling operators sa bansa.

Pero malaking problema rin pala ang kakaharapin ng bansa sa mga POGO na ito sapagkat karamihan sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis. Karamihan, hindi nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Kumikita nang malaki ang mga POGO pero hindi sila nagbabayad ng buwis. Dinadaya nila ang gobyerno.

Isa sa mga POGO provider na dinaya ang gob­yerno ay ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) na nasa Libis, Quezon City. Kamakalawa, ipinasara na ng BIR ang GEGAC dahil sa hindi pagbabayad ng P21.62 billion. Ayon sa BIR, nag-isyu na sila ng 130 notices sa GEGAC pero hindi nagko-comply ang mga ito. Ipinasara na rin ang branch ng GEGAC sa Subic at Parañaque City.

Tiyak na may iba pang PGO provider na ganito rin ang ginagawa. Nakarehistro nga sila sa PAGCOR pero hindi sa BIR. Dapat maging alerto ang BIR      sapagkat malaki ang nadadaya sa pamahalaan ng mga pasaway na POGO.

Inamin naman ng BIR na kumikita ang pamahalaan sa ibinabayad na buwis ng online gambling operators. Ayon sa BIR, kumita ang bansa ng P579 million noong 2018 dahil sa ibinayad na buwis. At ngayong 2019, umabot na sa P789 ang ibinayad na tax sa unang tatlong buwan lang. Sa ibinabayad na tax ng online gambling operators, mapopondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”.

Habulin ang mga POGO provider na ang gusto’y kumita lang nang kumita sa bansa pero ayaw magbayad ng buwis. Ang ayaw magbayad, isara! Hindi sila dapat makalusot. Bantayan din naman ang mga corrupt sa BIR at baka pagkaperahan ang mga pa-saway na online gambling operators.

 

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with