^

Punto Mo

Hazing bilang heinous crime!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang  hindi  na yata talaga kinatatakutan kahit na pinalakas ang anti hazing law.

Paulit-ulit na lang na isinasagawa.

At eto nga isang buhay na naman ang nabalewala dahil sa walang kapararakang hazing.

Nasawi noong nakaraang Miyerkules  si PMA 4th Class  Cadet Darwin Dormitorio na base nga sa resulta ng imbestigasyon ay dahil sa hazing sa loob ng academy.

Unang inihayag ng  doktor na cardiac arrest ang sanhi ng kamatayan nito, gayunman puno ng pasa at magang-maga ang buong katawan.. Sumusuka na ito ng dugo palatandaan na may internal bleeding ang batang kadete.

Nabatid na napunit ang tissue at nabugbog nang husto ang internal organs ng biktima na naging sanhi ng pagdurugo.

Matinding pananakit ang inabot ni Dormitorio sa kamay ng kanyang upperclassmen na ngayon nga ay nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso.

Ang masaklap pa rito, tatlong ulit na umanong pabalik-balik sa pagamutan ang kadete,  August 20 hanggang 27 ay na-confine na ito sa pagamutan dahil sa may iniindang sakit sa katawan, naulit pa ng Setyembre 7 at ang huli nga ay noong Setyembre 17 kung saan malamang na hindi na kinaya ng katawan nito.

Kung noong una pa lang sana ay agad nang tinukoy ang dahilan sana ay naagapan at hindi na lumala baka naisalba ang buhay ng kadete.

Eto panahon na nga siguro na isama sa listahan ng tinaguriang heinous crime ang hazing.dahil nga sa tila hindi natitibag ang mga gumagawa nito. Mungkahi ito ng pamilya ni Horacio ‘Atio’ Castillo na isang estudyante ng UST na namatay din  sa hazing nang sinalihan nitong fraternity noong 2017. 

Sa ospital na nalaman ng mga magulang nito ang nangyari kay Atio Castillo. 

 Ikalawang taon na ang pagilitis sa kasong ito at nakausap natin ang pamilya sa paggunita nila ng pagkasawi ng anak.

Ayon nga sa kanila dapat ng ikonsiderang henious crime ang hazing.

Sa kaso ni Dormitorio hindi lang sana sa mga sangkot mismo sa pananakit dito umikot ang imbetigasyon, gaya din ng kay Ation pati ang nagtatakip o natago sa insidente dapat ding panagutin.

Ito ang ating tututukan.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with