^

Punto Mo

Maari bang maipawalambisa ang kasal sa asawang matagal nang nawawala?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Matagal na po akong walang anumang komunikasyon sa aking asawa simula nang bigla na lang siyang umalis sa aming tahanan 13 taon na ang nakararaan. Mula po noon ay  wala na akong anumang nabalitaan sa kanya at pati ang mga kamag-anak at kaibigan niya ay walang kaalam-alam kung saan siya nagpunta o kung ano man ang nangyari sa kanya.

Ngayon po ay may kinakasama na ako at gusto ko sanang kami ay makasal na. May paraan po ba upang ipawalambisa ang kasal namin ng nawawala kong asawa upang mapakasalan ko na po ang kinakasama ko ngayon? -- Rex

Dear Rex,

Maaring humiling sa korte ng Declaration of Presumptive Death sa ilalim ng Article 41 ng Family Code. Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Republic of the Philippines vs. Cantor (G.R.No.184621, December 10, 2013), may apat na kailangan upang maipagpalagay na namatay na ang isang indibidwal upang magkaroon na ng kakayahang makapagpakasal muli ang kanyang asawa: (1) apat na sunud-sunod na taon nang nawawala ang asawa o dalawang sunod na taon kung nasangkot ito sa isa sa mga mapanganib na sitwasyon na nakalista sa Article 391 ng Civil Code katulad ng paglubog ng barko o pagbagsak mg eroplano; (2) may kagustuhan ang naiwang asawa na magpakasal muli; (3) may malalim na batayan ang paniniwala ng naiwang asawa na namayapa na ang nawawala; at (4) nagsampa ng isang summary proceeding ang naiwang asawa upang maideklara ang presumptive death ng nawawala.

Sa sitwasyon mo, maari kang magsampa ng nabanggit na kaso ngunit siguraduhin mo lang na mapapatunayan mo ang ikatlong requirement. Base sa Republic of the Philippines vs. Orcelino-Villanueva (G.R. 210929, July 29, 2015), kung ang tangi mong basehan para hilingin na ideklara ang presumptive death ng iyong asawa ay dahil wala ka lang anumang balita sa kanya ay maaring hindi katigan ng korte ang iyong kahilingan. Kailangang mapatunayan mo sa korte na masusi mong inalam kung nasaan na ang iyong asawa at base sa nakalap mong impormasyon ay naniniwala kang namayapa na ang iyong asawa.

Nawa’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with