^

Punto Mo

EDITORYAL - Makipag-cooperate ang mga nag-aalaga ng baboy

Pang-masa
EDITORYAL - Makipag-cooperate ang mga nag-aalaga ng baboy

MAY mga namatay na baboy sa Payatas, Quezon City na hinihinalang dahil sa African Swine Fever (ASF). Ang mga baboy ay pinaniniwalaang inaalagaan ng mga residente sa kanilang likod-bahay. May mga baboy din na nakitaan ng pananamlay sa nasabing lugar at inaalam pa ng mga awtoridad kung ito ay sintomas ng ASF. Hanapbuhay ng mga residente ang pag-aalaga ng mga baboy na malaki ang naitutulong sa kanilang kabuhayan at pagpapaaral sa kanilang mga anak. Kaya marami sa kanila ang nanlumo dahil tiyak na mawawalan sila ng kita dahil sa pagkakasakit ng kanilang mga baboy. Nagbigay ng tulong ang Quezon City government sa mga apektadong hog raisers.

Hinihiling ng Department of Agriculture (DA) ang kooperasyon ng mga nag-aalaga ng baboy sa kanilang bakuran na agad ireport sa kanilang tanggapan o sa barangay kung nakikitaan ng mga palatandaan ng pagkakasakit ang kanilang mga baboy. Huwag itago ang mga nakikitang palatandaan ng sakit at kung namatay ang mga ito, nararapat ilibing nang malalim sa isang ligtas na lugar at hindi mako-contaminate ang tubig. Sa paraang ito, hindi na kakalat ang ASF o anumang sakit na ikinamatay ng baboy. Kapag itinapon o ipinaaanod sa ilog, dalawang kaso ang kahaharapin ng mga gumawa nito. Hindi tama na itapon o ipaanod ang mga patay na baboy.

Gaya ng ginawa ng mga tao na nagtapon ng 58 patay na baboy sa Marikina River kamakailan. Hinihinalang ang mga baboy ay inaalagaan sa likod ng bahay. Nang mamatay ang mga ito, tinapon sa ilog. Ayon sa mga awtoridad sa Marikina, walang nag-aalaga ng baboy sa kanilang lugar kaya  hinala nila, galing sa Antipolo at Rodriquez, Rizal ang mga patay na baboy. Nagpalabas ng P200,000 na rewards ang Marikina sa sinumang makapagtuturo sa nagtapon ng mga patay na baboy.

Tumulong para agarang maputol ang pagkalat ng ASF. Huwag itong ikalat sapagkat walang ibang apektado kundi ang mamamayan. Magtulung-tulong sa pagsugpo ng sakit.

 

vuukle comment

BABOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with