^

Punto Mo

Walang reklamong tatanggihan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BUKAS sa lahat ng klase ng mga sumbong ang aming tanggapan, lalo na’t hindi namin estilo sa BITAG ang namimili lang ng mga problemang bibigyan ng linaw o solusyon.

Pakiusap lang, mas makabubuting ang mismong biktima ang aming makakausap nang mas magkaintindihan. Maliban na lang kung nasa kritikal na kondisyong medikal o pumanaw na ang siyang nagrereklamo.

Tulad na lang nitong sumbong na inilapit sa amin ng isang ginang, inirereklamo ang pagka-scam ng kanyang kapatid na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong.

Ang catch nga lang ay wala ang mismong kapatid ng ginang na siyang first-hand naka-experience ng panggagantso upang maidetalye sa BITAG ang modus kung paano ito naloko.

Hindi ko naman tinanggihan ang ginang sa kanyang problemang inilapit kahit na hindi ito maaring maaksyonan agad lalo na’t wala sa Pilipinas ang mismong biktima upang magreklamo.

Gayunpaman, kinausap at pinakinggan ko pa rin ang sumbong ng ginang at ipinaliwanag na ang nangyaring scam sa kanyang kapatid na nasa Hong Kong ay isang krimen.

At ayon sa batas, anumang krimen na idudulog ay mas may bearing at pinakikinggan kapagka ang mismong biktima ang magrereklamo.

Hindi pasuwelduhin ng gobyerno ang BITAG mga bossing, pero sa lahat ng public service na aming ginagawa ay kaakibat pa rin namin ito kasabay ng pagsunod din sa lahat ng batas na ipinatutupad.

Konkretong payo lang ang aking binigay sa ginang na hintayin na lang munang makauwi ang kapatid na OFW upang ito na mismo ang magreklamo sa pagkaka-scam nito.

Inuulit ko mga boss, bukas ang BITAG para sa kahit anong klase ng sumbong pa iyan, reklamo ng pang-aabuso, pagmamalabis at hanggang sa mga sumbong ng kapabayaan at kalikasan pa yan.

Subalit mas mabilis na matatalakay ang solusyon sa isang reklamo kung ang mismong biktima ang magsasalaysay sa amin. Kung ako nga mismo, si Bitag, ang siyang kumakausap sa bawat taong dumadating at nakikipila sa aming tanggapan.

Ikalulugod kong makita at makausap kayo mismo sa BITAG Action Center kung kailangan n’yo ng tulong. Wala akong tatanggihan.

vuukle comment

TATANGGIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with