^

Punto Mo

EDITORYAL – Department of OFWs nasaan na?

Pang-masa
EDITORYAL � Department of OFWs nasaan na?

NOONG nakaraang Hulyo, sinabi ni President Duterte na ipaaapura niya ang pagtatatag ng isang departamento na tanging titingin at tutugon sa lahat nang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers. Gusto ng Presidente na sa darating na Disyembre, mayroon nang Department of OFWs. Kapag mayroon nang sariling tanggapan ang mga tinaguriang “bagong bayani”, hindi na gaanong problema kung paano sila tutulungan sapagkat mayroon na silang matatakbuhan kara-karaka.

Pero tila mauunsiyami ang pagtatatag ng Department of OFWs sapagkat hanggang ngayon, wala pang naisasagawa o nailalatag na plano sa pagtatatag ng hiwalay na tanggapan para sa mga OFW. Inatasan ng Presidente si DOLE Sec. Silvestre Bello na gumawa ng hakbang ukol dito, pero sa pagdinig sa Senado ukol sa 2019 budget para sa kanyang tanggapan, inamin ni Bello na naiipit siya sa pagtatatag ng tanggapan sa-pagkat tataliwas ito sa panawagan ng DOLE na paghikayat sa mga OFW na dito na lamang magtrabaho sa bansa sapagkat marami nang trabaho rito. Ganunman, sabi ni Bello, wala siyang magagawa kundi sundin ang Presidente sa utos nitong magtatag ng DOFWs.

Gawin kung ano ang iniuutos. Mahalaga ang pagkakaroon ng sariling tanggapan para sa OFWs. Hindi na pagpapasa-pasahan ang OFWs kung saan lalapit kapag nasa kagipitan at nangangailangan ng tulong. Dapat lang ang sariling tanggapan para sa OFWs sapagkat malaki ang naitulong nila sa bansa.

Kung wala ang OFWs nang magkaroon ng financial crisis sa Asia noong dekada 90, tiyak na humilahod na ang Pilipinas. Dahil sa pinadadalang dollars ng OFWs, nakabangon ang bansa at sumig­la ang kalakalan. Pero sa kabila ng kabayanihang ginampanan ng mga OFW, walang ginawa ang mga nakaraang administrasyon kung paano magagantihan ang pagsasakripisyo ng OFWs.

May OFW na nasira ang ulo dahil sa pang-aabuso ng employer pero walang ginagawa ang gobyerno para matulungan. May OFW na nakasalang na sa bitayan pero hindi pa namamalayan ng pamahalaan o maski ng nakakasakop na embahada. May mga domestic helpers na tumatakas sa amo at walang masulingan. Maraming nagkakasakit na OFWs at hindi nila alam kung paano magpapagamot.

Kailangan ang DOFWs para may agarang tutulong sa mga bagong bayani. Apurahin ang pagtatatag nito.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with