^

Punto Mo

Drug recycling at ‘Agaw Bato’ scheme

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa rin humuhupa ang mainit na isyu at mga kontro-bersya sa illegal na droga.

Inamin mismo ni PDEA director General Aaron Aquino sa isang pagdinig sa senado na talamak pa rin ang recycling ng illegal drugs sa isinagawang pagdinig sa senado.

Nakakatanggap pa umano sila ng impormasyon sa mga nire-recycle na droga sa isinasagawang mga operasyon.

Sa pagpapatuloy pa rin kahapon sa Senado sa makontro-bersiyang Good Conduct Time Allowance (GCTA)humarap rin si dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung saan ibinunyag nito na ilang tiwaling tauhan ng PNP ang dawit sa tinatawag na ‘Agaw Bato scheme.’

May kinalaman din ito sa mga drug operations kung saan madalas na hindi idinedeklara ng mga operatiba ang kabuuang mga nasamsam na ebidensya.

Ito ay dahil sa ibat-ibang mga kadahilanan. Maaari umanong itabi ang isang bahagi para sa susunod na operasyon ay may maiprisinta, o di kaya ay tuluyan na itong pagkakitaan.

Nakahanda rin ang dating CIDG chief na pangalanan ang mga pulis na dawit sa ganitong gawain na drug recycling.

Ibinunyag din nito na nagagawang mapaikot o patakbuhin ng mga Chinese drug lords ang kanilang negosyo kahit pa nasa loob ang mga ito ng piitan o nasa Bilibid.

Sa ganitong mga pagbubunyag, mukhang malayo pa nga talaga bago tuluyang masawata o masolusyunan ang problema ng bansa sa illegal na droga, lalu pa nga’t nakikipagsabwatan ang ilang mga tiwaling opisyal sa ibat-ibang ahensya at maging sa law enforcement.

Aantabay tayo kung ibubunyag naman ng senado ang mga dawit sa ganitong ilegal na gawain at kung ano ang magiging mga rekomendasyon para ito tuluyang masawata.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with