^

Punto Mo

Lulumpuhin daw ang Tulfo Brothers!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI ng nagbanta’t humamon pero hanggang satsat lang naman. Puro kuda, kunwari matapang para panakot sa mga taong inagrabyado nila.

Tulad nitong kolokoy na dance instructor na inireklamo ng kanyang kinakasama. Sa loob ng 16 na taon nilang pagsasama, ginawang punching bag ng bastos na kumag ang kanyang misis.

Bukod sa pambubugbog, nagawa pa raw nitong si Allan Pagibigan na gamitin ang kuwarto ng anak at ipakita mismo rito ang pakikipagtalik sa kanyang kabit.

Dagdag pa sa kanyang pagiging exhibitionist, niyayakap din ni kolokoy ang kanyang dalagitang anak ng hubo’t hubad. Tayong-tayo pa raw si junjun sa kamanyakan habang niyayakap ang anak.

Eto ang pinakamagandang sumbong na narinig ko mula sa nagrereklamong misis, wala raw kinatatakutan si Allan Pagibigan. Nagbanta raw siyang magsusumbong sa Tulfo Brothers (Raffy, Erwin at Ben) lalo’t hindi na siya nagsusustento sa kanilang anak.

Napakatapang ng sagot ng kolokoy na D.I., no match daw kami sa kanya. Pagbubuhulin, lulumpuhin, at pag-uuntugin daw kaming magkakapatid.

Ay naku, ngayon pa lang Allan, nanginginig na ako, ang buong katawan ko. Hindi sa takot, sa gigil na tirisin ang mga butangerong tulad mo.

Kunwari matapang, pero sa totoo lang sigurado akong kumukuyos at nagkakalansingan na ang betlog mo ngayong nakaabot na sa amin ang sumbong.

Paborito ko pa namang manghambalos ng mga abusado lalo’t babae at bata lang ang kayang patulan. Wala akong sinasanto kesyo higante, bato-bato, o maskulado ka pang putok sa buho ka.

Sa sumbong ng kinakasama mo Allan na hindi na raw mabilang ang sampal, suntok, at tadyak na inabot sa’yo, titriplehin ko ang balik sayo kung gusto mo.

This guy doesn’t have respect for women. He just uses them as sex objects at buwisit ako sa kababuyan nito.

Eto dapat ang literal na sinasakluban ng orinola sa ulo!

Pupulbusin mo ang Tulfo brothers o ikaw ang pupulbusin ko sa buwisit sa’yo? You choose.

vuukle comment

ALLAN PAGIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with