^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipagpatuloy ang paglilinis sa Pasig River

Pang-masa
EDITORYAL - Ipagpatuloy ang paglilinis sa Pasig River

MABAHO ang Pasig River dahil hindi lubusang nalilinis. Makapal ang burak at patuloy na dinudumihan ng mga iresponsableng mamamayan at mga abusadong may-ari ng mga pabrika na nasa pampang nito. Malayung-malayo sa dating ilog noong unang panahon na puwedeng manalamin sa tubig at maraming nahuhuling isda. Sa kasalukuyan, ang nahuhuli sa ilog ay mga basurang plastic na itinapon ng mga walang pakialam na mamamayan.

Lalo pang umalingasaw ang Pasig River nang ku-malat ang balitang may anomalya sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC). Lalo pang bumaho nang sibakin ni President Duterte si PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia noong nakaraang Lunes dahil sa corruption. Gayunman, itinanggi ni Goitia ang paratang at hindi na nagkomento pa ukol sa isyu. Sinabi lang niya na patuloy niyang susuportahan ang Presidente. Nagpapasalamat umano siya rito dahil sa pagbibigay ng pagkakataon na maglingkod.

Noong nakaraang Hunyo, naging kontrobersiya ang PRRC nang mapabalita na hindi naisakatuparan o hindi natapos ang rehabilitation projects ng Metro Manila waterways sa kabila na may budget itong P107 milyon para sa 2018. Inaasahan matatapos ang rehabilitasyon subalit hindi umano ito nagkaroon ng katuparan. Ang paglilinis sa mga waterways ay mahalaga sapagkat ito ang dahilan kaya may mga pagbaha sa Metro Manila. Marami sa mga estero at kanal ang barado sa basura kaya walang pagdaanan ang tubig-baha.

Makaraang sibakin si Goitia, si DENR Sec. Roy Cimatu na ang magpapatuloy ng paglilinis sa Pasig River. Sinabi ni Cimatu na lilinisin niya ang ilog.

Para maisakatuparan ang paglilinis, pagbawalan ang mga pabrika at ang mga tao na rin na huwag magtapon ng kanilang basura. Kapag hindi sila pinagbawalan, patuloy ang pagdumi ng ilog at mamamatay ito. Huwag hayaang mamatay ang matulaing ilog.

vuukle comment

PASIG RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with